Nerd Boy 24

286 30 3
                                    



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Jungkook's Point of View's


"Tara na Hyung." Sabi ko sa kanila, tumango naman sila at sumundo sa akin. Paalis na kami para pumunta sa School , nakatapos narin kaming mag usap at kumain ng umagahan.


"Jungkook bat ang putla mo ngayon?" nagtatakang tanong sa akin ni Jimin Hyung. Ngumiti na lang ako para hindi niya mahalata na may sakit ako. Kanina pang umaga masakit ang ulo ko at mainit na rin ako. Hindi ko alm kung bakit ako nag kasakit.


Kahapon kasi sumasakit ang likod ko at hanggang ngayon hindi ko lang pinahahalata kasi ayoko silang mag alala.


"A-ahhh Hindi Hyung maputi lang talaga ako...Sobra." Nakangiting sabi ko sa kaniya, nahalata kong nakumbinsi ko naman siya kaya nakahinga ako ng maluwag.


Habang papasok ako sa kotse ay napahinto ako ng biglang sumakit ang likod ko. Aww... Bakit ba ang sakit ng likod ko? Inalala ko naman kung bakit sumasakit ang likod ko at nung maalala ko...


Naalala ko nung tinulak ako ni Namjoon sa locker at tumama yung likod ko sa pinto ng locker. Napansin naman nila Hyung at nagtaka kung bakit hindi ako pumapasok sa loob ng kotse.


"Anong problema Jungkook?" tanong sa akin ni Jin Hyung. Agad naman akong umiling at hand gesture pa.


"Hehehe May nainisip lang." pagsisinungaling ko, agad naman akong pumasok sa loob kahit masakit ang likod ko.


Hindi ko pinahalatang sumasakit dahil baka kung anong gawin nila kay Namjoon at ayokong mangyari na naman ang nangyari kahapon. Pinaandar na ni Jin Hyung ang sasakyan.






>>>>>>>>>>>>>>>>>>>






"Siya yung Binully ni Namjoon diba?"

"Oo siya ngayun."

"At alam mo ba?"

Nerd BoyWhere stories live. Discover now