A Date

34 1 3
                                    

TYRA's POV

Dinala ako ni Sebastian sa isang cafe shop di kalayuan sa school namin maganda ang lugar na ito at nakakarelax ang paligid.

"caleb?" na palingon ako sa likod ko na may isang gwapong nilalang na binaba ng langit sa lupa.

Lumapit sya kay samin tumayo naman si Sebastian at sinalubong ang gwapong lalaki na tumawag sa kanya.

Nagulat naman ako sa dalawa ng mag yakapan ang mga ito  sa harap ko. Ano to bromance lang??

"Ehem Ehem!" singit ko sa dalawa.

"Whose this beautiful young lady Caleb?" tanong nito kay Sebastian pero nakatingin parin ito sakin.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Sebastian nagulat naman ako ng hinigit nya ako palapit sa kanya at naka hawak naman ang kamay nya sa biwang ko.

"Babe i want you to meet Mark Dale Buenafe my cousin, Dale this is Tyra Victoria Wilson my Girlfriend." pag papakilala samin ni Sebastian at pinsan nya.

Juicy Color naman oo! Kung gwapo si Sebastian mas gwapo din ang pinsan nito. Oh my! Lord anung ginawa kung kabutihan at napapalibutan ako ng mga napakagwapong nilalang tulad ng dalawang lalaki sa harap ko ngayon??

Ayy teka ngayon nabang mag sisimula ang pagpapangap namin ni Sebastian??

Tinawag na nya kung 'Babe'  ee at pinakilala na rin nya akong bilang girlfriend nya sa pinsan nya.

Kung ganun dapat galingan ko ang pag papangap ko para hindi halatang hindi totoo na wala kaming relasyon ni Sebastian na'to.

"Wow! So Your the girl friend of this man Tyra Victoria buy the way nice to meet you." sabi nito at nilahad nya ang kamay nya sakin para makipag shake hands.

"Nice to meet you too Mark Dale" ngumiti naman ako sa kanaya ayukong mapahiya itong si Sebastian nato sa pinsan nya.

"You can Call me Dale medyo mahaba na pag may Mark pa. So can i call you Victoria if its okay with you young Lady?" sabi nito sakin.

Ay gusto ko iyo alam nya kung ano dapat nyang itawag sakin, Victoria lang muna di naman kami kasi close ee.

"Its okay you can call me Victoria if thats what you want" sabi ko sa kanya.

Kakauwi lang pala ng pinsan ni Sebastian galing ng Canada doon kasi ito nag aaral at umuuwi lang dito sa Pilipinas pag may Family gathering sila.

May sence of humor naman itong si Dale kausap mabilis kaming nag ka palagayan ng loob ang saya nyang kausap di gaya ng isa dito, ngiti ngiti lang pero pilit naman fake smile ba hindi natural.

Nag paalam na samin si Dale na mauna daw ito aalis kasi may pupuntahan pa itong kaibigan nya.

Nakahinga naman kaming maluwag ni Sebastian nag maka alis na ang pinsan nito.

Sawakas tapos na ang pag papangap naming dalawa ni Sebastian.

Nasa loob kami ng kotse ni Sebastian tahimik lang kami pareho habang nasa byahe kami kaya minabuti kong kausapin ko nalang sya.

"Sebastian?" tawag ko sa kanya.

Napatingin naman ito sakin at napataas ng kilay nag patuloy naman ako sa dapat kong sasabihin sa kanya.

"Uhmm... Siguro tapos nayong pag papangap natin bilang mag boyfriend, girlfriend diba?" tanong ko sa kanya.

"Bigla namang nag prino si Sebastian at inihinto ang kotse nya naka tingin lang sya sakin alam ko may gusto rin syamg sabihin sakin.

IFIFALL #COA2018#TheAbsolute2018#PHTimes2019#TRPCLAwards#PrimoAwards2018Proud2PHWhere stories live. Discover now