Chapter 1

356K 1.7K 128
                                    

Chapter 1

Aaron’s POV

I am watching TV with my best friend Lhee at my condo and we are currently drinking sodas.

Sa totoo lang, type ko talaga tong best friend ko. Tangina naman kasi! Sinong lalaki ang hindi siya makakagusto sa ganda, sexy, talino at bait niya?

Complete package kumbaga!

Minsan nga gusto ko na siyang sunggaban, e. Bakit? Magsuot ba naman ng sobrang iksi na short at tube na hanggang pusod lang niya dito sa condo ko.

Nakakapang-init kaya ng katawan yung mga ganung tanawin. Ang kinis-kinis pa naman niya at ang puti-puti! Pero siempre, kailangan kong pigilan ang sarili ko at ibabaling ko sa ibang babae yung init ng katawan ko.

Best friend ko siya at ayoko namang masira yung pagkakaibigan namin dahil lang sa init ng katawan. Kaya katakut-takot na talaga pagpipigil ang ginagawa ko kapag kaming dalawa lang ang nandito.

Katulad na lang ngayon…

Bakit kasi ang ganda-ganda niya? Perfect na, e!

At bakit ko din ba kasi siya naging best friend? Dapat nung una pa lang niligawan ko na to, e.

“Ron, kuha mo naman ako ng chocolate sa ref.” Hinawakan niya pa ako sa hita at humimas pa siya dun.

Pucha! Buti na lang masikip lagi ang brief ko kapag kasama siya. Kundi, matagal na niya nang nakita yung ebidensya ng pagnanasa ko sa kanya dahil lang sa mga simpleng haplos niya!

Hindi na ako sumagot. Tumayo na lang ako at nagpunta ng kusina para sundin ang utos niya. Pagbukas ko ng freezer, dinama ko talaga ung lamig.

Pucha! Ang init, e! kumukulo yata yung dugo ko. Pero hindi sa galit, kundi sa… alam niya na.

Mga ilang segundo din akong nagpalamig sa tapat ng ref bago ako bumalik sa sala. Air conditioned naman itong condo ko, pero super hot ng best friend ko kaya parang nawawala lahat ng lamig.

“O, ito na chocolate mo.” Inabot ko sa kanya ung chocolate.

“Thanks, Ron.” Ngumiti pa siya.

Nanood lang ulit kami hanggang sa nagising yung dalawang aso na alaga ko. Nagharutan pa yung mga aso sa harap namin.

Kung hindi ba naman nang-aasar tong mga asong to at ininggit pa ko! Buti pa sila nakakapaglampungan ng ganun! Kung pwede ko lang din lambingin ng ganun si Lhee, e!

Kaso hindi pwede. :(

“Kyaaah!” biglang tili na lang ni Lhee. “Look at them, Ron! Oh, my gosh!” Tinuro niya yung mga aso at pagkatapos, tumawa siya ng tumawa.

Agh! Lintek! Tama bang sa harap pa namin gumawa ng kababalaghan tong mga asong to?! Tanginang mga aso naman to, o!

Naramdaman ko na naman ang paninikip ng masikip ko ng brief!

Napatingin ako kaya Lhee na tawa pa din ng tawa. Tapos bumaling ako sa mga aso ko.

“Shoo!” bugaw ko sa mga aso ko. “Tumigil nga kayo!” tangina niyo! Gagawin ko kayong pulutan mamaya!

“Haha! Hayaan mo lang, Ron! Natural lang kaya yan!” saway naman sakin ni Lhee.

Napatingin ulit ako sa kanya na mukhang aliw na aliw sa mga asong nagsesex sa harapan namin.

E, ang pagnasahan ko siya, natural din ba?

Napababa ang tingin ko sa dibdib niya at hindi ko napansing napatagal na pala ang pagkakatitig ko doon. Naramdaman ko pang lalong nanikip ang brief ko kaya humawak ako sa pagitan ng mga hita ko.

Bestfriends in Bed (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon