Chapter 32

45.9K 408 83
                                    

Chapter 32

After that night, wala na kaming napag-usapan ni Aaron about sa kasal na sinasabi ng mga parents namin. Ni hindi ko alam kung engaged na ba kami and it gives me more doubt.

I know... I should not feel like this. Pero bakit may pakiramdam akong ayaw niya pa na mag-settle down sakin? Parang hindi pa siya sigurado sakin.

Gusto ko mang i-confront siya, natatakot ako. Natatakot akong malalaman na totoo nga yung mga doubt ko.

"Huy!" Tinapik ako ni Erika kaya napalingon ako sa kanya. "Kanina ka pa tulala dyan."

"Sorry... may iniisip lang." I tucked my hair at the back of my ear.

"Ano namang problema mi ngayon, girl?" tanong naman ni Mel.

"Wala. Hindi naman problema iniisip ko, 'no." pagsisinungaling ko.

"Eh, ano?" kulit pa ni Mel.

"Si Aaron ba 'yan?" singit naman ni Erika. "Naku ha... super in love ka na dyan sa best friend mo ha..."

"Ano ka ba?" tinapik naman ni Mel si Erika. "Kapag na-suppress talaga ang feelings ng napaka tagal, tumitindin!"

Hay... ito talagang dalawa na 'to ang daming alam.

"And speaking of the best friend turned to lover... ayan na ang sundo mo, Lhee." sabi ni Mel.

Napalingon naman ako at ayan na nga si Aaron na papalapit dito sa favorite tambayan naming tatlo.

He's all smile at parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. While me... I'm having doubts on him.

Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang mga negatibong nasa isip ko. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-anong bagay na walang katuturan at makakasira sa relasyon namin.

Nang malapit na siya samin ay ngumiti na din ako.

"Hi, baby." bati niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Hi." ganti ko.

We stared at each other in a while and it made me feel better.

Para kasing sinasabi ng titig niya sakin na wala dapat akong ipag-alala dahil ako lang ang nakikita niya.

"Ehem... parang wala na dapat siguro tayo sa scene na 'to, Melody."

"I agree! So, let's go na, Erika."

Natawa si Aaron sa kanila habang paalis na sila nang hindi man lang nagpapaalam sakin.

Mga medyo may sayad talaga.

Nang makaalis sila ay hinarap ulit ako ni Aaron.

"Tara na?" tanong niya.

"Sure."

We head to his car and he drove me home.

"Baby, alis na ko. I'll just see you tomorrow." hinalikan niya ulit ako sa pisngi.

"Aalis ka na agad?" nakakunot ang noo kong tanong.

Usually, hindi agad siya umuuwi pagkahatid niya sakin. He'll stay hanggang sa ako na ang magpauwi sa kanya.

"Yeah. May dadaan pa kasi ako."

"Saan? Bakit hindi na natin dinaanan kanina bago mo ko hinatid?"

"Ahh... madyadong malayo eh." nag-iwas siya ng tingin sakin.

"Malayo? Saan ba?" nagsalubong na talaga ang kilay ko.

"Sa--" Hindi niya na naituloy ang sagot niya dahil tumunog ang cellphone niya. "Excuse me."

Tumalikod siya nang sinagoy niya ang tawag. Lumayo pa siya sakin para siguro hindi ko marinig ang usapan nila ng kung sinumang tumawag. At nang matapos ang usapan nila ay lumapit ulit siya sa akin.

"I really have to go now, baby. Will fetch you for school tomorrow." humalik ulit siya sa akin.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay umalis na siya.

I let out a sigh nang mawala siya sapaningin ko.

Nakaka-frustrate!

Alam kong may hindi siya sinasabi sakin and I wanted to know it. Kung hindi man yun manggagaling sa kanya, aalamin ko mismo.

Bestfriends in Bed (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon