7 YEARS AGO

92 2 0
                                    


Huminga si Ellie nang malalim. Kalma lang...she thought. Today is their 3rd year anniversary as girlfriend-boyfriend. Ilang beses na ba siyang inayang magpakasal ng nobyong si Jeremie? Di na niya mabilang. But everytime he does, she turns him down. Paano ba naman, she's just 21! Kakasimula pa lamang niyang magtrabaho bilang isang guro sa isang pampublikong paaralan. Of course, she understands that he's mature. Mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon kaya siya nito minamadali. But then, she wants to take things slow. Hindi biro ang pagpapamilya. Growing up with 4 siblings, alam niya ang hirap ng buhay. Hindi sila mayaman, driver lang ang kanyang ama. Although her boyfriend is an established Wintel Analyst and money is not an issue, nilulukob parin siya ng takot tuwing mababanggit ang kasal o pagpapamilya. And that fear has a connection with her past—a dirty little secret. Isang sikretong pinakatago-tago niya kahit sa mga magulang niya. It was only Arcel, or Arcie, who knows every detail of it. Dahil siya ang bestfriend niya. She's a time-tested and her most trusted confidante.

Pinagmasdan niyang muli ang sariling repleksyon sa salamin. Hinagod niya ng tingin mula ulo hanggang paa. Bumuga siya ulit ng hangin upang lakasan ang kanyang loob. Handa na niyang ipagkaloob sa kasintahan ang lahat. Tutal naman, pinangakuan siya nito ng kasal. He even gave her a ring, promising that he'll wait for her no matter how long. Jeremie's her first boyfriend at siguro naman, siya na ang makakasama niya sa panghabambuhay.

Maya-maya pay naramdaman niyang di na siya nag-iisa dahil may mga brasong pumalupot sa kanyang bewang at may humahalik na sa kanyang batok. Kung hindi lang siguro niya nakikita ang repleksyon sa salamin ng kung sino man ang gumagawa sa kanya noon, malamang, hindi siya kakalma dahil nilulukob na naman siya ng kakaibang takot at nerbiyos.

"Mmy, kung ayaw mo, 'wag na nating ituloy..." he whispered softly.

"I'll be fine...Nagulat lang ako..."



Wicked EllieOù les histoires vivent. Découvrez maintenant