Chapter 19 •Sweet•

180 10 0
                                    

•••••

Elaine POV.

        tatlong araw mula nung naging kami, nakakapanibago man nasasanay na rin ako kung dati puro kami bangayan,asaran,at iwasan ngayon para kaming kambal. Parang ayaw na naming mahiwalay sa isat-isa kahit tatlong araw palang masyado na kaming na attatch sa isat-isa ilang oras lang kaming nagkahiwalay nalulungkot na kami ganyan talaga siguro pag nagmahal ka, palagi mong mararamdaman yung TAKOT takot na mawala sya sayo kaya kahit saglit lang kayo magkahiwalay namimiss nyo na agad yung isa't-isa. Normal naman sa LOVE yung masaktan ehh hindi mo kasi masasabing mahal mo talaga sya kung hindi ka masasaktan.

        Sa isang Relasyon SELOS ang pinaka mahirap iwasan, Ok lang magselos ka, normal lang yan basta wag mong kakalimutan ang salitang TRUST/TIWALA. Lahat ng yan nalaman ko sa tatlong araw na pagiging kami hindi naman kasi maiiwasan campus heartrob prince ang boyfriend ko kaya kailangan kong sanayin ang sarili ko. Kuntento na ko sa pinapakita at pinaparamdam nyang pagmamahal sakin.

        Kagaya ngayon nasa room kami panay ang harot nya sakin hindi man lang nahiya sa teacher na nasa unahan. Panay ang bulong nya sakin ng " Prinsesa ko i love you "   pinipigilan ko lang yung kilig na nararamdaman ko nakakahiya kasi sa teacher namin kung bigla nalang akong titili, minsan nga naisip kong lumipat sa ibang upuan simula kasi ng naging kami hindi ako makapag concentrate sa pag-aaral ko bad imfluence sya sakin xD. Kahit nakikinig ako sa teacher namin walang pumapasok sa utak ko, kahit sino naman siguro hindi makakapag concentrate kung katabi mo yung boyfriend mong makulit.

        

        Natapos yung klase namin na puro lang harutan yung ginawa namin, muntik na nga kaming mapalabas ng classroom kanina buti nalang nakalusot, Pauwi na kami ni bessy hindi ako maihahatid ni Raf may gagawin daw kasi syang importante kaya nauna na syang umuwi okey lang naman sakin ehh pabor pa nga sakin yun kasi walang mangungulit sakin.

" Bessy anong feeling magkaron ng boyfriend??? " my bestfriend as me, i look at her eyes and smile.

" Anong Feeling? masaya, sobrang saya pero nakakatakot " wala sa sarili kong sagot, totoo naman diba sobrang saya magkaroon ng boyfriend kasi may taong proprotekta at magmamahal sayo pero nakakatakot,

" Bat naman nakakatakot?? " kunot noong tanong sakin ni bessy, nakakatakot kasi nasanay yung sarili mo na lagi kayong masaya, nakakatakot isipin na isang araw matatapos ang lahat kung anumang meron kayo, nakakatakot masaktan.

        Tinanguan lang ni bessy yung sagot ko, feeling ko may hindi sinasabi sakin si bessy, pero hindi ko na muna sya tatanungin tungkol dun, hahayaan ko muna syang mag-isip. Nakarating na kami sa parking lot kay bessy ako sasabay hindi kasi ako masusundo ng driver namin, may importanteng lakad daw. Habang pauwi kami nakatingin alang ako sa bintanan, napakunot naman yung noo ko nung lumambas kami sa may subdivision namin, 

" Bessy nakalampas kana " 

" Oo nga Sorry "   

        Napailing nalang ako sa nangyari hindi ako pwedeng magkamali may problema sya, wala sya sarili habang nagddrive muntik pa nga kaming makalampas sa bahay namin kung hindi ko lang sya nasabihan agad, bago ako bumaba ng kotse kinausap ko muna si bessy.

My Nerdy PrincessWhere stories live. Discover now