Ang Huling Regla

81.5K 4K 2K
                                    

Bumili kami sa panaderya ni Li, 'yong crush ko ever since nalaman ko ang salitang crush. Nga lang, hindi niya alam na crush ko siya kasi nga . . . takot ako masira ang pagkakaibigan namin. The usual story.

Gano'n naman talaga 'yon, di ba? Maraming takot mag-take ng risk, at isa na ako doon.

"Manang, limang nga po nito," sabi ko, sabay turo sa favorite kong tinapay. "At saka napkin po, yung Modess. Lima rin po." 

"Ako rin, manang, lima," sabi ni Li. "Hindi po 'yong napkin, 'yong tinapay lang. Hiwalay po kami ng plastic, ha."

Hanggang ganito na nga lang kami talaga, ano? Wala. Walang asenso.

"Oy, Reg, tulala ka diyan?"

That time, nakaisa na akong kain ng tinapay. "Malapit na yata akong magkaroon, e." 

"So kung malapit ka na mag-mens, tumutulala ka?" 

"Tanga, hindi. Binibilang ko sa utak ko. Regular kasi ako sa twenty-eight, twenty-nine days. Iniisip ko kung kailan ako susunod na magkakaroon." 

"Daming kawirdohan na nangyayari sa mga babae." 

"Oo. Tulad ng may lalabas na dugo at tao sa keplerets namin. Pasalamat kayo! Pero pag kumidlat at maghimala na sa maliit na butas ng tootsie roll n'yo lalabas ang dugo at ang bata—" 

"Malamang walang tao sa mundo!" sabat niya. "Mamamatay kami pag may lumabas na bata sa—putek, Reg! Tigil-tigilan mo 'yan. Kumain ka na!"

Naniniwala ako sa kasabihan na "studies first before love life." Kaya nga naging cum laude pa ako, di ba? Hindi naman nauubos ang lalaki—

Weh, sinong niloko ko?! Nauubos na nga ang mga lalaking nagmamahal ng babae! 'Yong mga lalaking nagmamahal pa kaya ng tunay? Natural, nagkakaubusan na!

Whatever. Kung gusto ni Lord na maging dalaga ako forever, so be it. Pero, Lord, wag naman po sana. Kahit si Li lang po.

"Joke lang," sabi ko. "Graduation na kasi bukas." At sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba masaya o malungkot ako na sa araw bago ang graduation ay si Li ang kasama ko.

"O, ano naman?" 

"Wala lang."

Tigang ba siya? Natural! Matatapos na ang college tapos di ko pa rin masabi na gusto ko siya! Pagkatapos kong mag-feeling close sa kanya since first year high school—wala. Ituturing lang niya akong best friend.

Isang malupit na friend, at best pa.

Although ako lang naman ang nag-assume na best friend nga niya ako. See! Pati sa pagiging best friend, assumera na rin ako.

E, anong tawag sa amin? Laging magkasama mag-jamming, gumawa ng project, mag -omputer para maglaro, umuwi . . . nagsasabihan ng "Labyu!" sa text . . .

Friends?!

Friends niya mukha niya! Kahit man lang puwesto sa best friend angkinin ko na, 'no!

"Paano nga ba ulit tayo naging close?" tanong ko sa kanya.

"Di ko na alam. Oo nga, 'no? Ba't nga kaya?"

See! Hindi nga niya maalala na naging close kami dahil groupmates kami sa general science no'ng first year high school tapos ako lagi ang nagpapahiram ng notebook sa kanya para may notes!

Paraparaan ang pagkakataon. La la la. High school blues.

"Basta, alam kong di tayo naging magkaklase no'ng second at third year," sagot niya. "Pero sa 'yo pa rin ako humihiram ng notebook." 

Ang Huling ReglaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon