Bakla kung Magmahal

95 4 2
                                    

Tanong lang. Bakit pagcrush mo ang isang tao, hindi pwedeng crush ka rin niya? (Naks! Lakas maka-Ramon Bautista XD) Yung parang sa Math, yung pwede ang reciprocal?

Pero bakit ganun? Pagnasa paligid lang siya ramdam ko na agad ang presensya niya kahit hindi ko pa nakikita. Yung tipong daig ko pa ang may detektor o radar. Eto isa pa, feeling ko sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko kahit ang totoo hindi naman siya nakatingin. Yung tipong hindi naman niya ako kilala pero feeling ko crush niya rin ako.

Lagi tuloy akong naka-F mode, lakas makapantasya na mapapansin niya rin ako. Pero ang totoo, hindi nga man lang niya batid ang existence ko. Sad no? Pero sige lang nang sige! Tuloy lang sa pagkembot!

Isa pang sintomas nang pagkakacrush ko ay eto: pagmalayo gusto kong lumapit siya pero pag andyan na natatameme naman ako. Parang pinitpit na picha! Ay leche. Nawawala ang pagkabibo ko pagnandiyan na siya.

Basta masaya rin pagmay crush kasi inspired ka. Laging excited pumasok, excited magrecess kasi makikita mo siya sa hallway,  excited magP.E. kasi andun siya at nagpapractice ng basketball. Oh di ba!

Everyday inspired wag lang siya aabsent kasi feeling mo nawalan ka ng life support. At lalong wag lang may aasungot at magpapakilala na girlfriend niya! Naku panigurado durug na naman ang aking puso. Yung tipong daig ko pa umasta yung mga naging ang ex-girlfriend niya kung makapagluksa.

Tanong lang guys, relate ba? Uiiiii! Aminin?!

Dahil relate na relate ka, friends na tayo! At bilang aking newfound friend, may ishashare ako sayo. Shhh! Basta secret lang ah. Kasi konti pa lang ang nakakaalam...

Once upon a time in a far away land.. De joke lang pero ang story ko nga ay isang ganap na 'far away land'. Pano ba naman e nagsimula ang aking istoyra sa pasulyap-sulyap lang sa aking prince charming.

*****

The Beginning of Kaharutan XD

Second year high shool pa lang e umariba na ang aking kaharutan.

Ika nga ng lola ko, bubot pa lang daw ako e napakaharot ko na! Lagi tuloy ako nakukurot sa singit ni Ina Majenta!

Nagsimula ang aking fairytale nung unang araw ng pasukan. Ito ang pinakaexciting na araw sa buong school year; pano ba naman e puro bago. Bagong bag, notebook, sapatos atpayong. Sana bago na lang din ang aking uniform. Hindi namankasi 'to bagay sakin. >pout<

Pero infairness sa universe, may isang 'bago' pa pala ang darating sa buhay ko ngayong araw na 'to. Something new!

May bago akong kras!

         

"Hoy babaita! Unang araw pa lang nakasimangot ka na agad diyan!" eto talagang baklang si Margaux napakapakielamera.

"Chupi! Chupi! Dun ka na nga! Nagmumuni-muni ako dito e."

Bakla kung MagmahalWhere stories live. Discover now