Chapter 12

64.2K 2K 439
                                    


Chapter 12

Ellie

It was a beautiful afternoon. Walang kaming pasok. Nagpadala ang Mama ko ng pera para makapaghanda ako ngayong birthday ko. I told my Tita na gusto ko ng spaghetti, shanghai rolls, fried chicken at Kare-Kare na may pagkamatamis na bagoong. At syempre nagpabili rin ako ng chocolate cake. Inimbitahan ko rin sina Rica, Mark, Alec, Andrew at Wesley sa bahay. Kumpleto sila kaya naging maingay sa bahay. Hapon na nang makahabol at dumating sa bahay si Iris, galing pa raw kasi siya sa Public library. Wow.

Hindi ko rin agad pinatagal sa bahay ang mga kaibigan ko kahit na may inuungot sila sa akin. Inuman daw at videoke sa bahay ni Wesley. Tumanggi ako at umayaw. Hindi ako interisado dahil pupunta ako ngayon sa bahay ni Ridge. Hindi ko siya inimbitahan sa bahay dahil nakalimutan ko rin sa sobrang excited kong maghanda at tanging mga kaklase ko lang ang napapunta ko. Though hindi naman iyon talagang matatawag na party kundi simpleng handaan lang. Pero excited pa rin ako sa paghahanda. And I wanna make this day so special.

Kaya kumuha ako ng lalagyanan para sa pagkain na dadalhin ko. nagpaalam naman ako kay Tita Flor at nagpatulong na rin sa paglalagay sa mga tupperware. Nasa bahay lang din naman si Ridge. Madalas ko siyang tinetext pero ang tamad naman niya akong replayan. Kaya hindi na ako nagtext na pupuntahan ko sila ni Tita Lian.

Pagdating ko sa bahay nila ay isang matamis na ngiti ang sinalubong agad sa akin ng Mama niya nang pagbuksan ako ng pinto. Agad niya akong pinapasok at tuwang-tuwa nang makita ang mga dala kong pagkain.

"Happy birthday, Ellie! Naku, 'di nabanggit sa akin ni Ridge na birthday mo pala ngayon. Edi sana ay nakapaghanda rin ako ng regalo para sa 'yo. At ang sasarap nito ah," nakangiti niyang bati sa akin habang isa-isang binubuksan ang takip ng mga pagkain at nakalatag na sa kanilang lamesa.

Pinagsalikop ko ang mga kamay sa likuran ko at halos mapunit ang mukha sa ngiti ko. "Thank you po, Tita. Hindi rin naman po alam ni Ridge na birthday ko po ngayon," I look around and find a hint of him.

"Ang dami nito. Mukhang mapaparami ang kain ng binata ko," sabi niya at mahinhing napatawa.

At para may gawin ay tinulungan ko na rin si Tita Lian na magsalin sa plato. Natapat ako sa cake at talagang dinahan-dahan ko ang paglipat no'n sa plato. Malaking hiwa nga ang dinala ko sa kanila kasi iniisip ko si Ridge.

"Mukhang mananaba ako sa laki ng slice ng cake ah,"

Napatingin ako kay Tita Lian. I smiled, "Sasabihan ko po si Ridge na 'wag kayong ubusan ng cake, Tita," biro ko.

"Naku. Walang kahilig-hilig 'yon sa matatamis. Kahit ano'ng dessert hindi kumakain 'yong ri Ridge."

Natigilan ako. "Po? Ayaw niya ng matatamis?"

And she nodded. "Alam mo bang no'ng minsang inuwian ko 'yon ng donut? Tinabi niya sa fridge at 'di na binalikan. Nakikinabang na lang ang amag kaysa sa kanya. Kaya magmulan noon ay ako na lang ang kumakain ng matatamis sa aming dalawa. He's not enjoying it. Mana sa ama."

Munting napaawang ang labi ko. Totoo? Ayaw niya ng matatamis na pagkain. I look down at the huge sliced of chocolate cake. Nilakihan ko pa naman din iyon para sa kanya tapos ayaw pala niya ng ganito.

Pero bakit noong dinalan ko siya ng donut, kinain niya? Iyong mga kasunod pang chocolate bars, kinain niya rin. Palagi niyang kinakain sa harapan ko. Bakit hindi niya sinasabi sa akin?

"Ma,"

Bahagya akong napalingon sa biglaang pagdating ni Ridge. Agad na nagtama ang mga mata namin. He's wearing his usual simple t-shirt and maong shorts. Magulo ang buhok niya.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now