Day 029

597K 15.7K 6K
                                    

11:11pm

Rico: If I told you I like you, will you be mine?

Jhing: WTF?

Rico: Bakit?

11:14pm

Jhing: Anong pinagsasasabi mo?

Rico: May natutunan kasi ako sa nabasa ko kanina.

Rico: Dapat kakaiba panimula sa isang chat para catchy.

Rico: Tska nabasa ko 'yan sa story ng kaibigan mo. TTLS

11:16pm

Rico: Ikaw ah, bakit ganyan reaksyon mo? Hihi.

11:21pm

Jhing: Panira ka kasi ng mood.

Rico: Awts. Sorry naman D:

12:02am

Rico: Uy andyan ka pa ba?

12:04am

Rico: Nagsusulat ka ba ngayon?

Rico: Pa-update naman ng kwento dyan oh.

Jhing: At bakit ko gagawin 'yun?

Rico: Kasi sinabi ko?

Jhing: Asa ka pa.

12:09am

Rico: Akala ko friends na tayo pero bakit ginaganito mo ako?!

Jhing: Sinong nagsabing friends tayo?

Rico: Si facebook?!?!?!?!

Rico: Hindi ba kapag sinabi ni facebook na friends tayo legit na yun?!

Jhing: Ewan ko sa'yo.

Jhing: Hindi ba talaga nawawala yang kakulitan mo? Nakakairita eh

12:14am

Rico: Minsan nawawala. Pero madalas hindi.

Rico: Sinasaktan mo ego ko.

Rico: bakit ka ganyan :(

Jhing: Kailan nawawala?

12:16am

Rico:  Kapag natatae ako tapos walang banyong malapit. Kailangan kasi ng concentration :(

Jhing: Paksyet.

Jhing: Di nga.

Rico: hahahaha seryoso!

Jhing: Paano ba kasi?!

12:19am

Rico: Awtsu, galit na si Jhing.

Rico: Talk to me seriously.

Jhing: I'm talking to you seriously.

Rico: Okay, then tell me.

Jhing: What?

12:21am

Rico: What is love?

Rico: Hahahahahahaha!

Jhing: Hindi ka talaga nag seryoso e no.

Rico: Ang boring kasi eh sorry naman.

Jhing: Minsan try natin mag usap nang seryoso.

12:22am

Jhing: Hindi 'yung puro kalokohan mo

Rico: Sige minsan mag usap tayo ng puro matino

Rico: Hindi puro pagsusungit mo.

Jhing: Waw ha???

Rico: Joke lang. Mamimiss ko pagsusungit mo :(

Rico: Alam mo namang hindi makukumpleto araw ko ng walang leche mo.

12:24am

Rico: Isang leche nga dyan :">

12:30am

Jhing: Whatever. Gtg bye.

Rico: TEKAAAA!!!

12:35am

Rico: Nasaan na leche ko?!

12:38am

Rico: Nawala :(

Rico: Uyy, ano 'yung status mong "Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao kapag sinabi kong 'hindi' sa mga nagtatanong ng 'pwede makipag friends?' Friendship is meeting an unlikely person who will soon become a part of your everyday life. Hindi pinipilit. Hindi tinatanong. Biglaan lang."

12:48am

Jhing: Asa ka hindi ikaw 'yan.

12:49am

Rico: O sige :">

Rico: Kahit hindi ko naman tinanong kung ako ba yun :">

Seen 1:29am

Rico: Sineen ako oh. Nahiya na ahahaha

Rico: Good mornight Mrs Dirham sunget na sobrang indenial sa friendship niya sa isang 'unlikely person'.

1:33am

Rico: Dapat ko na bang palitan ang facebook name ko ng "unlikely person"?

Rico: ;)



--

Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon