File No.3 Paasa

31 2 0
                                    

Akala mo, gusto ka niya.

Pero, hindi naman pala.

Ganyan kasi tayo eh. Lahat ng bagay binibigyan natin ng meaning basta si Crush yung gumawa.

Tipong kausapin ka lang, kikiligin ka na. Iisipin mo, ay baka crush din ako non. Fakshet diba. Nakaka tanga pero totoo. Kahit nga tignan ka lang ng crush mo, feeling mo crush ka na din niya.

And then in the end, we will put all the blame to them. Sasabihin natin, paasa sila. Na dapat hindi nila tayo pinakitaan ng maganda kasi akala natin gusto na rin nila tayo.

Leche lang diba? Ikaw 'tong umasa tapos siya yung sisisihin mo. Ganya tayo eh. Ganyan ako. Kasi sa pagasa na yon nalang tayo kumakapit. Doon nalang tayo sumasaya.

That hope gives us this butterflies. The happiness we search for.

Pero girls/guys, wag naman nating sisihin yung mga crush natin kapag pinaasa nila tayo. They're not manghuhula. Kaya wala silang kasalanan kung pinakitaan kanila ng maganda tapos binigyan mo ng meaning. Pagiging friendly lang yon kasi nga, hindi naman nila alam na may gusto ka sa kanila.

My cases nga na ganito eh. Alam niyang may gusto ka sa kaniya tapos lalandiin ka pa niya. Aba girl/boy! Iba na 'yan. Malandi talaga 'yang crush niyo pag ganyan. 'Yan yung masarap habulin ng kutsilyo sa daan tapos saksakin ng maraming beses habang sinasabi sa kaniya yung mga kalandiang sinabi niya sayo. Dejoke lang.

Pero seryoso talaga! Kung may reresbakan kayong ganyan, itext niyo ko! Sama ako! Haha! Susupalpalan ko ng malutong na mura 'yon!

Maliban nalang kung sinadya niya talagang paasahin ka. In either ways, you both need to deal with it. Lalo ka na kasi ikaw yung nagdesisyon na magustuhan siya. And hoping for him to love you back is a natural thing.

You just need to learn to control it.

Crush EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon