Wattpad Original
There are 3 more free parts

CHAPTER 1

1.8M 29.2K 7.1K
                                    

CHAPTER 1

NAKATAAS ANG noong bumaba si Iris sa malapad na hagdanan pababa sa salas ng mansiyon kung saan naghihintay sa kanya ang kamag-anak ng asawa niya.

Wala siya sa mood i-entertain ang mga ito lalo na ngayon na mainit ang ulo niya dahil nag-aalala siya sa lagay ng kakambal niya.

Gusto niyang makasama ang kakambal niya at maipakita rito ang suporta niya. Ivy was in the ICU while she's here in Italy dealing with these greedy people.

Pinanatili niyang mataray ang bukas ng mukha kahit nang nakarating na siya sa salas at nakaharap sa kamag-anak ng asawa. Ang tiyahin nito, asawa, at isang anak.

"Cosé? Cosa voi?" What is it? What do you want? tanong niya.

Kaagad na sumagot ang tiyahin ng asawa niya, "Since our nephew is not here, we decided to take matters into our own hands. You're just his wife and this house is very big for you and you've been living here for eight years now. It's unfair that we are living in a small house. So we decided to stay here until our nephew returns."

Nginisian siya nito na ibinalik naman niya na may kasamang matalim na titig. Hindi ito ang unang kamag-anak ng asawa niya na kailangan niyang palayasin at labanan.

"You're not welcome in my home," sabi niya.

"Questo non e la tua casa—" This is not your home

"Sono ancora la moglie legale del tuo nipoti." I'm still your nephew's legal wife. Tumaas ang kilay niya. "And since he's not here, my word is the law. Now, get out. I don't have time to entertain the likes of you."

Her husband's aunt stood up and was about to slap her when Pietro, her husband's right hand man, shielded her and seized and gripped the woman's hand.

"Signora." May babala ang matalim na boses ni Pietro. "I suggest you leave."

Lihim siyang napangiti nang namutla ang mukha ng babae.

"Please...take out these trash," utos niya kay Pietro. "Loro puzzano." They stink.

"Putana!"

"Pagherai per questo!" You will pay for this! sigaw ng asawa ng tiyahin ng asawa.

"Non sei nessuno!" You're a nobody!

Hindi pinansin ni Iris ang mga sinabi ng mga ito at sinuklay lang ang mahabang buhok niya gamit ang mga daliri habang pilit na pinalalabas ni Pietro ang mga kamag-anak ng asawa niya.

At nang makabalik si Pietro, tinuro niya ang sofa na inupuan ng kamag-anak ng asawa niya kanina.

"Trash that and buy a new one." Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ito. "Di 'al tuo padrone di chiamarmi, ho bisogno di parlargli." Tell your master to call me. I need to talk to him.

"Si, Signorina."

Umakyat ulit sa hagdan si Iris at tumuloy sa isa pang paikot na hagdan na maghahatid sa kanya sa kuwarto niya na nasa ikatlong palapag ng mansiyon.

This house...no, this huge mansion, has been her home for eight years. Wala siyang ibang kasama kundi ang mga katulong at si Pietro na kanang kamay ng asawa niya na ni mukha ay hindi pa niya nakikita.

Pabor naman 'yon sa kanya noong una na wala ang asawa niya kasi nagagawa niya lahat ng gusto niya. Wala siyang pagkailang na nararamdaman dahil hindi naman ito umuuwi sa bahay. Pero nang lumaon, nag-umpisa siyang makaramdam ng kamiserablehan.

Mag-isa siyang kumakain sa napakahaba at napakalapad na mesa sa hapag-kainan, mag-isang namamasyal, mag-isang nilalabanan ang mga kamag-anak ng asawa na mga mukhang pera, at mag-isa sa lahat ng gusto niyang gawin sa buhay.

TEMPTATION ISLAND: Desidero Me, Amore MioWhere stories live. Discover now