Secretary (One-Shot Story)

754 7 5
                                    

Secretary (One-Shot)

"Congratulations to our new Student Council's secretary, Claire Buenavente!" tumayo ako at ngumiti sa mga estudyanteng nagpapalakpakan. Naglakad ako sa may gitna ng stage nang senyasan ako ng MC na magspeech.

Iniabot ko ang mic na ibinibigay sa akin ng MC at saka nagsalita, "Goodmorning to all of you," I smiled at ipinagpatuloy ko ang aking sasabihin, "Lubos akong nagpapasalamat sa inyo, sa lahat ng kapwa ko estudyante na bumoto sa akin. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil ibinigay niyo sa akin ang tiwala niyo. Bilang bagong sekretarya ng ating Student Council, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Wala na akong masabi dahil sobrang saya ko na ako ang pinili niyong manalo bilang secretary. Muli, maraming maraming salamat!" ibinalik ko ang mic sa MC at muli ko na namang narinig ang palakpakan ng  mga estudyante. Grabe, pinag isipan ang speech ko! Wooh. -__- Bumalik na ako sa aking upuan at tumabi sa bagong Vice President ng Student Council.

"Palakpakan natin ang bagong Vice President ng ating Student Council!" masayang sabi ng MC. Sa pagtayo ni Arvin, ang bagong VP, ay agad akong napatingin sa katabing upuan niya na kung saan nakaupo ang bagong presidente ng Student Council-- si Christian Finesa. Ang dahilan kung bakit gustong gusto ko din tumakbong officer. Sa kabila nang gusto kong pagsilbihan kuno ang eskwelahan namin, may tinatago din akong landi. XD

Okay, fine. Gusto ko naman talaga maging isa sa mga officer ng Student Council namin eh, lalo ko pang nagustuhan dahil nalaman ko nun na tatakbong President si Christian. OMG lang talaga. Crush na crush ko talaga siya. *u* Matalino, masipag, willing talaga maglingkod sa napakalaki naming campus. Bonus na yung pagiging cutie pie niya. Hay grabe!

Nabalik lang ako sa reyalidad nang isigaw ng MC ang pangalan ni Christian, "Let's all welcome, our new President of Student Council, Christian Finesa!" nagpalakpakan ang lahat (kasama ako syempre) habang naglalakad siya papunta sa gitna ng stage at inabot ang mic galing sa MC.

"Hello everyone" panimula ni Christian. Juice colored! Ang husky ng boses niya. Nakakakilig. "Una sa lahat, gusto ko magpasalamat kay God dahil binigyan niya ako nang lakas ng loob na tumakbo bilang presidente. Pangalawa, sa babaeng nagbibigay inspirasyon sakin, kung sino? Secret. :)" whuut? Sinong babae yun?! "Pangatlo, sa mga faculty teachers na nagtiwala sa akin at sa kapwa ko mga officer. Pang apat, sa inyong mga kapwa estudyante ko. Ibinigay niyo sa amin ang inyong tiwala. Huwag kayong mag alala, pagbubutihan namin ang aming trabaho bilang officer ng ating eskwelahan. Asahan niyo ang mga plata porma na aming ipinangako sa inyo. Muli, maraming salamat!" nang matapos magsalita si Christian ay nagpunta na kaming mga officer sa gitna ng stage at sabay sabay na nag bow.

x

Antok akong naglalakad papunta sa room namin nang makita kong makakasalubong ko si Christian. Nawala ang antok ko at inayos ko ang paglalakad. Poise Claire, poise. Kung inaakala kong makakasalubong ko siya, hindi pala! Letse. Pumasok na siya sa room nila. -__- Bumalik ang antok ko at wala na akong pake sa itsura ko. Azar!

"Girlllllllllllllllll! Emeged. Congrats!" bungad sa akin ng kaibigan ko na si Maan.

"8." sagot ko sa kanya habang papalapit sa pwesto namin.

"8?" takang tanong naman niya sa akin.

"Pangwalo mo nang 'congrats' sakin yan." plain kong sagot sa kanya.

"Eto naman!" sabay hampas sa braso ko. "Buti nga nagko-congrats ako sayo eh!" matapos niyang sabihin yun ay umupo na siya at nagpout pa.

"Eww! At teka lang huh, utang na loob ko pa pala sayo na kino-congrats mo ako." reaksyon ko sa expression ng mukha niya. Tanging irap lamang ang natanggap kong sagot sa kanya.

Secretary (One-Shot Story)Where stories live. Discover now