Chapter Six

61.8K 2.4K 821
                                    

CHAPTER SIX

*Nothing seems to be happening.

But someone is secretly in the move,

For you. *

***

ANG huling tanda ni Reeve na nakipag-usap siya sa mga pinsan ni Agatha ay nang mahanap ng mga ito si Bari. When Bari came back, he was able to talk to him, too.

But when Reeve's private investigation and search for Agatha was in the dead end, the Andersons just stopped communicating with him.

Hindi niya alam kung ang lahat ng pinsan ng asawa niya ay galit sa kanya. But there were some who's ruthlessly vocal about it. Katulad ni Dylan.

Kaya't laking sorpresa niya na inimbitahan siya ng mga ito. May gusto lang daw ikonsulta sa kanya tungkol sa kaso ng asawa niya.

Reeve's waiting for the Andersons to arrive. Buhat-buhat niya si Adam dahil Daddy time na nito ngayon. Tulog si Rade at nasa school pa sina Rain at Riana.

Gideon came first. Hindi naman ito mukhang galit sa kanya dahil kaswal pa siyang kinamusta nito. He was followed immediately by Reynald, Charlie, and Dylan. Then, Ramses and River, after.

Sina Reynald at River lang ang binati siya. Whle Dylan, Ramses, and Charlie were giving him a distant and cold look.

"Unclessss," sambit ni Adam.

"How are you, li'l fella!" Hiniram ito ni Reynald sa kanya. "Doing good?"

"Play cars!"

Nilingon ni Reynald si River. "Magkakasundo kayo nitong si Adam, River. Mahilig sa kotse."

River smiled a bit. Binuhat din nito si Adam. Maya-maya ay pinagpasa-pasahan na itong buhatin ng mga lalaki.

"Where's Ibarra?" hanap niya kay Bari.

"He's coming," sagot ni Gideon.

"How about Johann?"

Sumimangot si Reynald. "Hindi kami kinakausap ng lalaking 'yon. Hindi sinasagot mga tawag namin. Bigla na lang naging cold. Di'ba, Charlie?"

"Mas gusto niyang kampihan si Reeve, eh. Bahala siya sa buhay niya," malamig na tugon ni Charlie.

Reeve was puzzled. "Kampihan?" Umiling siya. "He stopped talking to me, too. Akala ko ay galit siya kasama niyo kaya hindi na rin ako pinansin."

"Huh?" takang-taka si Reynald. "That's strange. Akala namin ay nagagalit siya dito kina Charlie dahil mainit ang mga ulo."

"Hindi siya sumasama sa tuwing nagpapatawag ng meeting si Ibarra," ani Gideon. "Para sa kaso ni Agatha. Akala namin ay mas pinapanigan niya na lang ang ginagawa mong paghananap kay Agatha kaysa sa kinuha naming bagong search team."

Umiling siya. "Mga buwan na rin ang lumipas ng huli ko siyang makausap."

"Hindi kaya ipinapahanap din ni Johann si Agatha sa iba pang private investigator?" River concluded.

Umupo si Reeve sa pang-isahang sofa. Posible iyon. Pero wala namang nababanggit sa kanya sina Daddy Philip at Mommy Ria—ang mga magulang ng mga ito. If Johann is having his own search, Reeve's in-laws should know...

"Pabayaan niyo na nga ang lalaking iyon," magkasalubong ang mga kilay ni Dylan. "Kung ayaw niya tumulong sa'tin, eh di huwag."

"Napansin niya lang din siguro na walang kuwenta ang pag-iimbestiga na ginagawa ni Reeve."

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon