CHAPTER 3

98 2 1
                                    

Ñina’s POV

Ang tagal naman ng sundo ko, ano na naman kaya ginawa ni Melanie. Psssk.

Hello? Ang tagal ko na kayang nakabihis. Sabagay hindi naman ako nagmemake up. Polbo at lipgloss okay na saken. Natural beauty nga diba? Hehe  kapal talaga ng face ko.

Beep.beep.beep

Hay nako, buti nalang dumating na tong bruhang to. Kung hindi ko lang talaga crush si Soriano hindi ako mag aaksaya ng oras sa panunuod ng Basketball. Sana Makita nya ko mamaya kaya lang imposible kasi ang daming tao dun for sure tapos madami din na chikababes na nagkalat dun. Ang alam ko kasi sikat yun sa school nila. Matalino at gwapo kasi tapos varsity pa sya. Oh diba? Sya na! minsan nangarap na din ako na minsan mapansin nya. Kahit man lang Hi or what. Pero hindi na ko nag eexpect more than that. Hi nga hindi magawa eh, siguro may problema lang yun kaya ganun? Problema? Grabe naman problema yun. Years na ? haha natatawa nalang ako. Gusto ko maging close sya or kahit friends lang bilang magkapitbahay. Si Tita Amy kasi close na close kami nun. Pag napunta ko sakanila at tinutulungan ko si Tita Amy magbake lagi syang wala or lagi nalang sya nasa kwarto nya kaya hindi ko din sya nakikita.

’HOY!!’’

‘’Bakit mo ba ko sinisigawan?’’

‘’hello? Nakatulala ka lang jan! kainis ah? Baka malate tayo.’’

‘’oh sige na. tara na’’

Pagdating namin sa Cuneta ang dami na agad tao buti nalang nasa Lower Box kami tapos may seat number pa. medyo tanaw ko si Marky. Ang sarap nya talaga titigan. Ang gwapo nya.may girlfriend na kaya sya? Ang swerte naman nung babae kung nagkataon. Hays sa sobrang lamig at mejo kakiligan mejo bigla akong naramdam na naiihi kaya nagpaalam ako kay Melanie.

 ‘’Mel CR lang ako’’ pabulong kong sabi

 ‘’sige mamaya bilisan mo at baka magstart na’’

‘’okay’’

Nun tapos na ko mag CR, papalabas na ko habang nakatungo ako kasi may inaayos ako sa damit ko may nagusot kasi ng biglang may nabangga ako.

‘’HEY!!’’ sigaw nito. Aba atribida ah.

‘’S-SORRY’’

‘’are you blind? Next time tingnan mo kung ano dinadaanan mo’’ aba nagsorry na ko ah? Napakaarte talaga -.-

Ningitian ko nalang, tumunog na kasi yung signal na mag start na yung game. MVP pala to si Marky. Shooter eh! Laging 3 points tingin ko panalo na sila. At ayun nga panalo nga sila. Si melanie halos mabingi na ko kakatili. Teka sino ba talaga samen may crush kay Marky? Bat parang sya ata ah? Tinatalo na ata ako ng bestfriend ko. Nun papalapit na si Marky sa upuan nila kasi tapos na yung game may babaeng lumapit. Inabutan sya ng tubig at eto pa ah? Pinunasan pa sya ng pawis. Ang alam ko walang katulong si Marky or alalay dahil kung meron ako na siguro unang nagapply. JOKE! Haha nakakainis sino kaya yun? Baka ayun GF nya?

‘’Mel sino yung lumapit ke Marky?’’

‘’ayun ba? Alam ko may crush yun kay Marky eh, pero bali balita na sila daw? Ewan ko ha di ko sure’’

Awww. Kaya pala ngiting ngiti yung mokong na yun -.-

‘’let’s go na. kain muna tayo malapit lang naman dito yung MOA diba?’’

‘’Yes dear!’’

Habang naglalakad kame papunta ng hagdanan pababa. Teka totoo ba tong nakikita ko? Parang natulala ako. Si Migs with other girl. At eto pa sya  pa yung muntik kong makaaway kanina sa CR. At ang unggoy na to na si Migs mukang nagulat pa.

Talagang gulat na gulat talaga sya na halos mamutla na. parang nasense ko na kung ano ang itatanong nya kaya parang tanga nalang na sumagot ako ng hindi sya nagtatanong.

‘’ what im doing here? Baka nanuod ng game ng SOCCER.’’ Sarcastic kong sabi

 ‘’babe? Who’s that ? At ikaw! Ikaw na naman’’ nagtataka yung mukang makibao na ito at inirapan ako. Sempre nagulat ako. Babe ba naman din tawagan nila hindi man lang mag isip ng iba.

‘’babe? Wow ha? Hindi ko alam madami ka palang babe. Pang ilan mo sya? #2 ? hindi mo pa ginawa hanggang babe#5, masyado kapang nahiya!’’

‘’you know her?’’ sabi ni makibao girl

Pero nagulat ako sa lumabas sa bibig ni Migs. Na parang dumurog sa puso ko. Hindi pala parang, dumurog pala talaga.

‘’NOPE, I think Ive seen her face somewhere before though’’

Hindi ko kinaya, bigla nalang tumulo basta yung luha ko tapos nagtatakbo nalang ako palabas ng Cuneta na parang wala ako kasama. Tapos may nabangga na naman ako ng hindi sinasadya. Si Marky pero hindi ko na sya pinansin nagtuloytuloy nalang ako sa pagtakbo hanggang marating ko yung parking lot. 

------

jan muna :)) kakaen muna :D

Ang kapitbahay kong GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon