Obsession 7

34.6K 725 29
                                    

Aliana PoV
Pinunasan ko ang Pawis ko bago mag bihis. Nag ta-trabaho ako bilang isang Waitress sa isang Sikat na Cafe. Break kasi namin ngayon at tatawagan ko si Aya. Laging ganito ang ginagawa ko at tatlong araw na hindi ko nakikita si Chase.

Ano bang pake mo dun pinag tabuyan mo na nga.

Napabuntong hininga ako at tinawagan si Aya.

[Ate!]

Napangiti ako ng marinig ang Boses ni Aya.

"Baby. Ayos ka lang ba jan? May kailangan ka ba? Nakakakain ka ba ng maayos?"

[Ate naman! Hindi pa nga nauubos ang huling pinadala mo eh! Opo! Kumakain po ako ng maayos gaya ng bilin nyo.]

"Sige. Mag iingat ka ha? Umayos sa pag aaral. Mahal ka ni Ate"

[Oo naman po! Pag po nakatapos ako ng Pag aaral ako naman po ang mag ta-trabaho para sa inyo!]

"Haha. Sige! Kaya mo yan! Ichi-cheer ka ni Ate! Ibaba ko na toh. Bye! I love you! Mag iingat ka jan"

[Salamat po! Mag iingat rin po kayo!i love you too Ate]

Namatay na ang tawag kaya napatawa ako ng Mahina. Kahit kailan talaga si Aya. Dun ko nadin siya pinag aral at mukang masaya naman siya dun.

Gruuu~~

Napatigil ako ng marinig ang tunog ng Chan ko. Hayst! Kakain na nga ko--

*ringggg*

Napatingin ako sa Cellphone pero napakunot din ang noo.

Unregister number?

Sino naman kaya toh?

Sinagot ko ang tawag. Baka Wrong Number.

"Hello po?"

"Iha! P-pwede kabang pumunta-- *Fuck! Let me out!!* pwede ka bang pumunta dito? S-si C-chase kasi *Mom! Dad! Cassandra! Open this fucking Door!!* Iha! Pumunta ka nalang sa Bahay-- Chase! Calm down!]

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Ano bang nangyari?!

Agad akong pumunta sa Opisina ni Manager.

"Ana? Anong kailangan mo?" nakangiti niyang sabi.

"Uhm. May emergency po kasi. P-pwede po bang mag leave ako ngayon?" nakayuko kong sabi. Narinig ko naman ang pag tawa ni Manager.

"Oo. Marami namang pwedeng pumalit muna sayo." napangiti ako sa sinabi niya.

"Salamat po Manager!" sabi ko at yumuko. Tango lang ang isinagot niya kaya Nag madali na akong mag bihis.

Pumara agad ako ng Taxi at Pumunta sa Bahay nila Chase. Ano ba kasing nangyayari? Base kasi sa Boses ni Mrs. Hunt ay naiiyak na siya.

Huminga ako ng Malalim at tumingin sa Malaking Gate. Whoo! Kaya ko toh.

Agad akong nag Door bell at agad namang pinag buksan ni Manong Guard.

"M-ms. Aliana! Kailangan po talaga kayo sa Loob!" napakunot ang noo ko. Kahit si Manong Guard ay Parang natatakot.

Tumango nalang ako bilang sagot at pumasok sa Bahay pero wala akong narinig na ingay kahit isa.

Ano to? Lokohan? Akmang lalabas uli ako ng Bahay ng May marinig akong sigaw sa Likod kaya napahinto ako at dali dali tumakbo duon.

"Chase! Don't hurt your self!" sigaw ni Mr. Hunt ng makarating ako sa Likod ng Bahay.

His Obsession. ✔Where stories live. Discover now