Chapter 7

11.1K 380 16
                                    

Zein pov:


Maaga at maganda gising ko dahil walang alarm clock na sisira sa umaga ko. Mabilis ako naglakad sa banyo at kaagad naligo. Nang makapag bihis mabilis ako bumaba at naabutan ko sa sala na natutulog pa yun tatlo. 




Kaagad ako naglakad papunta sa kusina at naabutan ko si Jiro na nagluluto. "What's for breakfast?"tanong ko sa kanya at kumuha ng mangga sa basket at kaagad blinender. "Boneless fried bangus. And salted egg with onion at tomato"I gave him a deadpan look and he cheekingly smile to me. 



"Pwede mo naman sabihin na daing na bangus at itlog na maalat"iling na sabi ko sa kanya at kaagad nilagay sa limang baso yun blinend ko. "Ganda kaya ng pangalan"sabi niya sa akin kaya napabuntong hininga ako. 



"Sure ako na nakuha mo yun kay Dad noh?"ngiting tumango lang siya sa akin. "Wag mo nga dikitan yun nahahawa ka sa pagiging isip bata niya"inis kong sabi kaya natawa siya. "Go wake the others aayusin ko lang to"



Mabilis ako naglakad papunta sa sala at ginising sila. Pero ayaw parin nila magsigising kaya nairita ako. At hinanap yun cellphone ni Casper. Nang makita ko ito sa lamesa kaagad ko inon yun blue tooth at kinonect sa speaker at nag search ng gun shouts sound sa youtube. 


*BRATATATATAT*



Pabalikwas silang tatlo bumangon at aligagang nagsitakbuhan. "NILULUSOB TAYO NG KALABAN!!"sigaw ni Casper habang tumatakbo na may sleeping mask pa nakasuot. "Fuck fuck yun bra ko!!"sigaw ni Rhianne kaya napatanga ako doon. "SHIT YUN MGA NIGHTIES KO!!"lalo ako napatanga sa sinabi ni Rain. 



What the fuck? Mga tulog pa ata ito



Napapailing na pinatay ko yun sounds at kumuha ng tig iisang unan at pinagbabato sila. "Umayos kayo tatlo kakain na tayo"inis kong sabi sa kanila at naglakad na papunta sa dining. Naabutan ko si Jiro na tumatawa tawa sa gilid. 




"Did you film it?"
takang tanong ko sa kanya kaya ngising iwinagayway niya yun cellphone niya. "Good pakita mo yan sa kanila"ngising sabi ko at umupo sa pinaka gitna. Busangot na pumasok yun tatlo at nagsi upuan na sa mga upuan nila. 




"Ang sama mo ate di ko tuloy maalala panaginip ko"busangot na sabi nila sa akin. "Maaalala niyo yan kapag tapos na kayo kumain"natatawang sabi ni Jiro sa kanila. "Let's eat first mamaya na kayo mag usap usap"sabi ko sa kanila kaya tumango sila sa akin at nagsimula na kami kumain. 




Nagsisintas ako ng sapatos habang hinihintay ko yun tatlo na matapos maligo. Pwede naman nila kunin yun mga unit dito sa floor na ito pero dito pa sila nakiligo at nakibihis. "Jiro sayo ako makikisakay tinatamad akong magpagasolina"sabi ko sa kanya ng pumasok siya sa unit ko. 

Cold Meets BullyWhere stories live. Discover now