THIS IS NOT A STORY by berna3gurl

12.3K 216 55
                                    

 Paano ako mag-uumpisa?

Matagal-tagal na din simula ng namahinga ako sa pagsusulat ng istorya na ipina-publish ko online para mabasa ng iba. During ‘muni-muni’ time ko, may mga bagay ako ng natuklasan na ngayon ko lang kongkreto na maisasatitik. Wow! Ang lalim di’ba? Agosto na daw kasi kaya ating isabuhay ang wikang Pilipino. ;)

 Para saan ‘to? Wala lang gusto ko lang. Basahin mo o wag, it’s up to you!

Marami-rami na ding nagtatanong kapag online ako o kaya nagmemessage sa’kin tungkol sa kung paano daw ba mag-uumpisa magsulat o anong tips ang pwede kong ibigay. Sa totoo lang, wala din akong eksaktong ideya kung anong pwede kong sabihin sa kanila. Pero ngayon, ok na siguro ‘to para ma-share ko yung iba sa alam ko na nagpapalikot ng utak ko.

Base sa pagbabasa, pakikinig, panonood at pagtuklas sa mga bagay-bagay. Sa wakas! May Masasabi na rin ako.

Hindi kita tuturuan magsulat ng magandang istorya ah. Di rin kita tuturuan kung paano maging sikat o kilala ka sa pagsusulat. Dahil ako rin mismo, hindi pa magaling at hindi rin sikat.  Pero bibigyan kita ng ilang tips na alam ko nakatulong at nakakatulong pa din sa’kin ‘til now. Hindi lang sa pagsusulat ng istorya kung hindi pati na rin sa gawain ko sa school, bahay o maging sa sariling story ng life ko. Taray di’ba?

Ikaw ng bahala kung gagamitin mo hindi. Iintindihin mo ba o lalagpasan mo na lang bawat letra. Titigan o hindi pag-iisipan, ba’y ikaw ng bahala. Hindi kita piilitin na gawin mo ang ginagagawa ko o natutunan ko. Do what you want! It’s a free country sabi ng ng Eat Bulaga.

Ito ang unang hakbang. Your first step. Yung second? Ba'y bahala na...

Enjoy Reading!

-=-=-=-=-=

UNANG HAKBANG

Bago ka magsulat, lagi mo iniisip… Ano bang isusulat ko? Ano kayang maganda? Anong patok? Yan ang mga unang tanong sa utak mo. Ibig-sabihin, naghahanap ka ng ideya para sa istorya. Yan ang first step.

Paano nga ba mag-umpisa? Edi humanap ka ng IDEA. Narito yung ilang tips na alam ko nakatulong sa’kin at makakatulong pa sa’kin sa mga susunod pa. Sabi nga ni Ricky Lee na sumulat ng Trip to Quiapo at isang sikat na writer, wag kang maniwala sa mga sinasabi sa’yo o sa’kin mismo. Wag ka lang tatango sa mga sasabihin ko, humindi ka din at gumawa ng sariling basehan na alam mong sa’yo lang. Magduda ka, wag ka agad maniwala. Pero intindihin mo din ang sasabihin sa’yo bago mo tanggapin at itapon ang napag-alaman mo.

*Kung maghahanap ka ng ideya para sa istorya, wag ka lang titingin sa isang direksyon. Hindi ka kabayo na may harang ang mga mata para sa harap lang nakatuon ang mga mata at isipan mo. Kailangan magpaka-langaw ka din, kung saan-saan nakatingin. Igala mo ang utak sa kung anu-ano. Humanap ka ng problema at solusyunan mo din.

Halimbawa, bakit kaya may mga naiinlove sa maling pagkakataon? Parang yung kantang, we have the right love at the wrong time ng Somewhere down the road. Hindi ka lang magtatanong, syempre, kailangan mo din sagutin. Sagot, siguro kasi bata pa sila at mayaman yung babae tapos yung lalaki hampas lupa daw sabi nga sa mga pelikula. O kaya pwedeng hindi talaga mahal nung lalaki yung babae nang una silang magkita. Kaso ng narealize na ng lalaki na mahal niya pala si babae, ayun! Umalis na si babae, nag-abroad! Patay! Mali talaga ang pagkakataon.

Ayan! May problem kana at solusyon. May idea ka na.

*Ang idea dumarating sa di mo inaasahang pagkakataon, pero minsan may mga tinatawag tayong ‘comfort zone’ na kung saan yun yung lugar na kapag andoon ka ay nakakapag-isip ka ng mabuti.

THIS IS NOT A STORY by berna3gurlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon