Number # 5: Alas!

38 1 0
                                    

“Na mahal parin kita…” nakainom ata si Nate. Bakit ako? Bakit ako pa? I am so confused.

“Nate baliw ka ba?! Sabi mo mahal na mahal mo si Colean, diba?”

“Oo. Mahal na mahal ko si Cola pero hindi ko minsan mapigilan yung feelings ko sa ex ko” sabi niya tapos ni-release niya yung mga kamay niya. Huh?! Edi ibig sabihin nun…

“Kaya tama yung act na ginawa mo kanina bago pa nangyare to” sabi niya, wow, for the first time, napagsabihan ako na tama ako ni Nate,

“Kaya wag ka ng makielam sa problemang ito” sabi niya ulet,

“Huh! Hindi pu-pwede yun. Ano yun magsosolo-flight ka jan sa problema natin dalawa”

“Since kelan pa naging problema ko ang problema mo? Since ngayon na kung kelan na tapos na tayo.” Sabi niya naka-*poker face* mode kaya ang hirap kung galit siya o wala lang,

“Yaan mo. Bukas ayos na kami nan ni Colean” sabi niya tapos umalis na lang siya at

“INIWAN AKO!” sinabi ko sarcastically,

Okay, tapos na the end ~

At hindi na rin ako nakatulog. Tapos tinignan ko ang relo ko,

“1:45!” at hindi pa nga naka-spa. Kaasar naman eh. Dahil kase kay Cola… Kasalanan niya ba? Kasalanan ko ba? Hay mag-lakad lakad na lang ako dito baka makahanap pa ako ng chicks. Hahaha. Pero hanggang crush lang.

NO BOYFRIEND = COMMITMENT!

Kaya naglakad-lakad lang ako, eh ganyan talaga pag life ng hindi makatulog.

Pero still nagiisip tungkol kay Cola

Edi yun…

*lakad*

*lakad*

*pause*

*look around*

*stop*

Sa malayo, nakakita ako ng cottage na para bang nasusunog kase dahil siguro sa itim na usok na nakapalibot sa cottage. Pero wala lang tinitigan ko lang. Eh bakit ba? Walang basagan ng trip, dre.

Tapos maya-maya may narinig ako,

“TULOG! TULOG! TULOG!” tama ba ang pagkarinig ko? Hindi ba ‘tulong! Tulong! Tulong!’

Tapos nakita ko na lang may isang babae, na naka-bikini at naka-seethrough overcoat, na tumatakbo,

Tapos biglang lumapit na lang siya sa akin at hawak-hawak niya ang balikat ko,

Grabe ang ganda niya, ang super mestisa masyado.

“Miss, tulungan niyo po ako. Yung boyfriend ko nakulong sa nasusunog na cottage!” tapos tinulak niya ako papunta dun.

Tapos nang makarating nakita ko na halos gigiba na tong cottage na to in any minute,

Then lumuhod sa akin yung babae at sabi, “Miss nagmamakaawa po na ako sa inyo. Iligtas niyo po siya.”  tapos without saying a word, pumasok na lang ako, eh wala na ako magagawa halos mamatay na to eh.

Buti na lang nakita ko agad yung lalake, yung boyfriend niya,  na amoy alak, na nakabalandra lang sa sahig edi ayon pinaakbay ko na lang siya sa balikat ko tapos dali-dali kaming lumakad papunta sa labas. Tapos habang papalabas, nagsimula na siya magsalita,

“Wooh! Naka-move on na rin dun sa babae na yun. Hindi ko talaga sukat akalain na makaka-move on ako agad-agad sa kanya”  grabe AMBAHO NG HININGA NIYA!

Wrong number (Paused)Where stories live. Discover now