I'll Stay Shot 1 and 2.

10.2K 353 140
                                    



"--- baby. Hihintayin lang kita dito ah." sabi ng isang babae sa panaginip ko.

Siya na naman? Sino ba talaga siya? Simula ng naaksidente ako, siya na ang laging laman ng panaginip ko.

Ang weird lang kasi paggising ko, hindi ko na maalala ang hitsura niya. Para bang kusang binura sa isipan ko.

"DJ. Okay ka lang ba anak?" tanong ni Mama sabay haplos sa buhok ko.

 "That girl again. She keeps on bugging me out." sabi ko sabay sabunot ko sa buhok ko. Nafufrustrate na kasi ako e.

"Wag mo na siyang isipin. Mabuti pa'y bumaba ka na dun para makapag almusal. Nandiyan din pala si Kylie. Ipapasyal ka daw niya." Sinimulan na ni Mama ayusin yung kama ko. Tumayo naman ako para rin makapag ayos.

"Sige Ma. Maliligo lang po ako."

 After my accident, lagi na akong binibisita ng mga friends and relatives ko. Tinutulungan nila ako para maalala kahit konti from my past. Pero ang pakiramdam ko, meron pa rin silang mangilan-ngilan na hindi sinasabi sa akin. Tuwing tinatanong ko sila tungkol sa babae sa panaginip ko, lagi nilang iniiwas ang sagot.

Sino ba talaga siya sa buhay ko? Bakit siya laging laman ng panaginip ko?

I ate breakfast with my whole family and Ate Kylie. After nun, lumabas kami ni Ate Kylie para mag-arcade. Madalas daw naming gawin yun dati e. 

"Oh DJ. May masakit ba sayo? Ano? Okay ka lang ba?" tanong ni Ate Kylie nung mapansin niya na hinihimas ko ang ulo ko. Medyo sumasakit na kasi e. 

"Hindi. Okay lang po ako. Napagod lang siguro." sabi ko. We sat sa isang bench sa labas ng arcade zone para makapagpahinga muna.

Maraming tao dito sa mall. Kaya siguro nahilo ako sa kakatingin sa mga naglalakad na mga tao. Madalas pa rin kasing sumasakit ang ulo ko. Epekto daw 'to ng aksidente ko e.

 "DJ. Wala ka pa bang naaalala?" seryosong tanong sa akin ni Ate Kylie. Umiling na lang ako. 

"Wala po talaga e." nagsmile lang si Ate at inakbayan ako. Yung smile niya parang malungkot. Hindi ko alam kung naaawa siya sa akin o ano. 'Yan din ang nakikita kong ngiti ng mga taong nasa paligid ko  kapag tinitignan ako.

"Ate." Pagtawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. "Bago ako maaksidente, anong kalagayan ko? I mean, sino ako at ano ang pinagkakaabalahan ko?"

Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin at umayos ng upo. Nakatingin lang siya sa mga dumadaan na tao. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya ngumiti at magsalita.

"Ikaw si DJ. Mahiyain sa ibang tao pero sobrang kulit kapag naging ka-close mo." Marahan pa siyang natawa sa sinabi niya. "Hindi ka naman pala-labas ng bahay dati e. Kaya nga madalas, yung mga kaibigan mo ang nagpupunta sa bahay niyo para makipaglaro sayo. Kung minsan nga ay sa bahay din sila natutulog para daw makapaglaro kayo kinabukasan." pagkukwento niya.

Meron ngang nagpakilala sa akin na mga kaibigan ko daw. Sila Lester, Katsumi at Sed. Pagkatapos ng aksidente ko, dumalaw sila para kumustahin ako pero dahil hindi ko pa sila kilala noon, tinaboy ko sila. Simula 'non madalang ko na lang silang makitang bumisita. Sabi ni Mama, dahil na rin siguro sa mga trabaho nila. Matagal na kasi daw kaming nagkahiwa-hiwalay simula nung nagkolehiyo kami e.

Unti-unti ko na silang naaalala. Kaya nga kapag bumibisita sila, sinusulit ko na yung oras para maalala ko pa sila lalo.

"Eh Ate, nung araw na naaksidente ako..." panimula ko. Napatingin si Ate Kylie sakin. "Anong ginagawa ko nun? Tsaka paano ako naaksidente? Anong nangyari?" tanong ko. Muli kong narinig ang pagbuntong hininga ni Ate Kylie bago ngumiti ng malungkot.

I'll Stay (One Shot)Where stories live. Discover now