Bago kami pumunta sa coffee shop is sinuot nya muna ang jacket, shades at cap nya kasi baka
daw hindi kami makapag usap ng ayos gawa noong fans nya.
*** Sa coffee shop
Habang kumakain kami.
"K-Kamusta na?", seryosong tanong nya
"Hmmm... B- bakit mo to ginagawa?", sagot at tanong ko
At tiningnan nya ako ng diretso sa mga mata ko.
"Na miss kita. Alam ko na di na ko papaniwalaan dahil sa nakita mo kahapon pero maniwala ka hindi ako ang nag start ng kiss. Sya ang humalik sa akin kahit anong tulak ko sa kanya ayaw nya akong lubayan eh.", sagot nya
"Bakit ka nagpapaliwanag?"
"Kasi isa ka sa mga babae na pinakapinahahalagahan ko."
"Ah, ganoon na pala ngayon ha. Pinapahalagahan?" tiningnan ko sya sa mata kaya ngayon eye to eye na kami.At nakikita ko sa mga mata nya ang pinaghalong saya, lungkot at guilt.
"Eh bakit mo ako iniwan sa ere?", bigla na lang lumabas ang mga katagang ito sa bibig ko.
Pagkasabi ko nito bigla na lang pumatak ang luha ko. Kasabay noon ang pagpatak din ng mga
luha nya.
"S-Sorry ha.
Alam kong sobrang nasaktan kita pero di ko sinasadya ang lahat ng nangyari.
Balang araw malalaman mo din ang dahilan pero maniwala ka selfish na kung selfish
pero gusto ko sanang maging magkaibigan pa din tayo kahit di na kagaya ng dati kasi alam
ko na may bago ka ng bestfriend at alam ko aalagaan ka nya at di papaiyakin kagaya
ng ginawa ko sayo.", sabi nya
"Ang hirap naman ng hinihiling mo. Akala mo napakadali lang ng gusto mo.
You want us to be friends again, parang hindi ko kaya. Ang sakit sakit pa din eh.
Pinagkatiwalaan kita at minahal. At umasa din ako sa pangako mo na mahal mo din ako
pero anong nangyari nasaktan lang uli ako. Natatakot na akong masaktan uli kasi
oo aminin ko akala ko dati naka move on na ako sa sakit pero noong nakita kita uli
dun ko napagtanto na ang sakit sakit pa pala lalo na noong nakita ko na may kahalikan ka.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa alam mo iyon.", sagot ko at itinakip ko na ang mga
kamay ko sa mukha ko at humagulhol na sa kakaiyak.
"Oo alam ko mahirap pero sana maniwala ka minahal kita promise.
Hanggang ngayon mahal pa rin kita pero hindi pwedeng maging tayo eh.", sabi nya at
pagkadinig ko is lalo akong humagulhol sa kakaiyak.
"Ako... *sobs* ayaw ko na *sobs* maniwala *sobs* na minahal mo ako *sobs*
itigil na natin ito. *sobs* ang sakit sakit na kasi.", sabi ko at tumayo na ako at
maglalakad na sana ako papalayo ng bigla nya akong hinatak papalapit sa kanya
BINABASA MO ANG
In Love Ako Sa Bestfriend Ko (COMPLETED)
RomancePano nga ba pag nainlove ko sa bestfriend mo? Makayanan mo kayang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman mo? O I gigive up mo na lang ang feelings mo para hindi masira ang friendship nyo. Subaybayan sina Samantha and Samuel sa kanilang pagsasapalaran s...