Rebound

58 2 2
                                    

-2-

"If you can't find a reason to smile, can i be the reason for a while?"

***

"Ang tanga talaga."

"Yan ganyan nga, Tama yan."

"Ay nako!"

"Ayan ka na naman! Yung status mo puro parinig na lang sa EX mong iniwan ka. Eh bakit ba kasi di ka madala dala? Nakakainis ka na!!" inis kong sabi habang dinuduro yung monitor.

"Nak, wag kang magugulat kung isang araw dadalhin na kita sa mental hospital ha?" Juice colored! May pagka tsismosa din tong si Mama e.

"Kanina ka pa po dyan, Ma?" Agad kong sinara yung browser kasi papalapit sya.

"Medyo." At inilapag nya yung meryenda na inihanda nya. "So narinig mo lahat ng pinagsasabi ko?" with matching laki ng mata pa yan. Argggg mama!!!

"Ewan ko nak. Basta ang narinig ko lang e, "Eh bakit ba kasi di ka madala dala? Nakakainis ka na!!" " At ginaya nya pa yung tono ng boses ko pati yung pagduro ko sa monitor.

"Aish! Ma, alam mo yung privacy? Uso kumatok bago pumasok sa kwarto ng may kwarto."

"Nak, uso rin maglock ng pinto. Sa tingin mo kakatok pa ako kung nakatiyaya naman yung pinto mo? Kumakaway na nga yung doorknob sa akin. Welcome daw." Tapos tumawa sya ng parang baliw. Nanay ko ba talaga to? Tsk. "Isa pa, ano bang kasalanan sayo ng monitor?"

"Wala. Hala. Alis na nga, Ma. May gagawin pa ako, di ko magawa dahil ang daldal mo." Di tuloy ako makapag FB. Pag nandyan kasi yan, grabe, nakikibasa ng newsfeed. Tapos ang daming side comments.

"Oo na. Paalala ko lang, wala tayong pamalit dyan sa monitor na yan pag nasira. Ikaw din."

Pagkaalis ni mama, saka ko pinagpatuloy ang pang i stalk. Hep! Kaibigan ko naman tong iniistalk ko, so ok lang naman siguro? Anyway, di naman nya malalaman e. Haha. 

Nakita ko na naman yung mga posts nya, grabe! Ang bitter bitter nya sa EX nya. Bakit ba kasi di nalang nya kalimutan yun at ibaling sa iba yung attention nya? Ilang beses na ba sila nagbreak nito? I think this is the third time na. Duh, para namang yung EX nya lang yung babae sa mundong ibabaw. At kung iniisip nyang wala na syang makikitang babae na hindi siya sasaktan.... Hello!! Babae rin ako no. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon