"Partners" - MMIH 2

708 30 2
                                    

"Partners" 2

Halos dalawang oras din pala akong tumatakbo. Tumingin ako sa orasan ko. Oras na para maligo at makapag ayos. Umuwi ako sa bahay at naligo na.

"Young Master?"

Napalingon ako kay Manang Lina. Siya ang yaya ko mula ng bata palang ako. Madalas kasi na wala si Mommy at Daddy sa bansa kaya siya na ang nag-aalaga sakin.

"Bakit po?"

"Kumain ka muna bago ka umalis ah? Ayoko kasi na nalilipasan ka ng gutom."

"Sige po."

Umalis muna ko at ginawa na ang mga dapat gawin. Ilang minuto lang ay natapos na ko. Bumaba ako at pinuntahan si Manang Lina.

"Kumain ka ng kumain ah? Ang payat payat mo na para ka ng tingting dyan."

Natawa naman ako. "Manang, nagpapapayat nga po ako para maging maganda ang katawan ko eh."

"Yan na ba ang uso sa mga kabataan ngayon ang maging tingting? Tigilan mo nga ako Young Master ah?"

Napailing nalang ako. "Manang naman. Ang sabi ko po Elmo nalang."

"Hindi na yun pwede. Ngayon palang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na tinatawag kang Young Master dahil ikaw ang susunod sa yapak ng iyong ama. Ipagpapatuloy mo ang nasimulan niya."

Napangiti nalang ako. Ang laki talaga ng tiwala sakin ni Manang na magagawa ko lahat ng ginagawa ng Daddy ko.

"Tapos na po ako kumain. Late na po ako kaya mauuna na po ako."

"Eh hindi ka pa nangangalahati oh?"

"Busog na po ako." Tumayo na ko.

"Ay hindi. Ito oh."

Nakita ko na kinuha niya ang bag ko at naglagay ng tubig at sandwich doon. Aangal sana ako kaso sinamaan niya ako ng tingin.

"Kainin mo yan ah?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Lumabas na ako at nakita ko na ang kotse.

"Si Manang talaga pinapataba ako."

30 min. lang ang nakakalipas na at nakarating na ko sa school. Nakita ko na nagkakagulo ang mga estudyante doon. Karamihan ay mga lalaki. Napailing nalang ako. Sure ako si Julie nanaman ang pinagkakaguluhan nila. May morning practice kasi sila ng badminton. Alam ko yun kasi palagi naman ganito tuwing umaga. Sisilip sana ako pero naisip ko na makikigulo lang ako doon kaya pumunta nalang ako sa room para mag-aral.

"Captain!"

"Ano nanaman ang kailangan mo? At pwede ba wag mo kong tinatawag ng ganyan."

Umupo siya sa tabi ko.

"Ano ka ba men! Ikaw na ang susunod na magiging captain."

"Wag ka ng mangarap. Hindi mangyayari yan dahil last year ko na dito."

"Elmo naman! Ikaw nalang ang pag-asa mg grupo."

Napailing nalang ako. "Bahala ka sa buhay mo basta hindi talaga ako pwede. May thesis pa akong ginagawa so wag ka ng mangarap na tatanggapin ko yang offer mo."

"Moe naman!"

"Alvin!" Pagbabanta ko sakanya.

"Excuse me."

Pareho kaming napalingon sa may pinto. Nakita ko siya na nakasandal sa pinto at may hawak na libro at laptop.

"Nag-aaway ba kayo?"

Umiling ako. "Hindi nag-uusap lang kami."

"Wow."

Tumayo si Alvin at lumapit sakanya.

Match made in Heaven (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon