Kabanata 50

945 36 2
                                    

Kabanata 50

Annabeth’s Point of View


“Jason!” gulat na sigaw ko nang makita ko ang pagbaon ng kutsilyo sa likod ni Jason.

Nandilat ang kanyang mata, umubo siya ng dugo.

“Tumakas ka na,” naghihina niyang sabi saka siya sumubsob sa lupa.

“Jason!” sigaw ko, hindi ko alam ang gagawin ko habang nakikita si Jason sa lagay na ito.

Nakatayo ngayon sa harap ko si Anne, hinawakan niya ang kutsilyo na nakabaon sa likod ni Jason at binunot ito.

“Hi Anna,” sa ilaw ng buwan ay aking nakita ang paglitaw ng ngiti sa kanyang mukha. Nakasuot parin siya ng kanyang salamin ngunit wala na ang dating kilala kong Anne.

Nanginginig ang aking kamay, maging aking mga tuhod ay nanlalambot.

‘Anna kumilos ka!’ Sigaw ko sa aking sarili.

Akmang hahakbang siya nang pinilit ko ang aking sarili na gumalaw. Sinipa ko ang kanyang binti saka ako umusog paatras. Nagmadali akong gumapang palayo sa kanya at tumayo.

Hindi pa ako nakakalayo nang may biglang sumabunot sa aking buhok. Nagmistulang tambol ang aking puso, agad akong umikot habang hawak niya parin ang aking buhok at hinarap siya.

Hindi ako nagdalawang isip na sipain siya sa tiyan. Napaungol siya sa pagtama ng aking paa. Lumuwag ang pagkakasabunot niya sa aking buhok, hinugot ko ang aking lakas at tinulak siya.

Nabitawan niya ako saka ako kumaripas ng takbo. Hindi ko magawang lumingon man lang. Rinig ko ang yapak ni Anne sa likuran ko, nakasunod sa akin.  Tumulo na lang ang aking luha nang maalala ko si Jason, nakahiga sa lupa, at iniwan ko lang.

“Anna!” rinig kong sigaw ni Anne. Saglit akong napalingon, malapit na niya akong maabutan. “Hindi ka makakatakas! Hindi ka makakawala sa kasalanan mo!”

Madilim ang kagubatan, sa tulong ng buwan ay may kaunti pa akong nakikita sa paligid. Hindi ko na pinansin ang mga sanga at matutulis na bagay na dumadaplis sa aking mga binti, bisig at braso.

Halos hindi ko na mapansin ang hapdi ng mga sugat at galos na aking natamo.

Sa aking pagtakbo ay bigla na lamang akong natumba. Malambot ang bagay kung saan ako bumagsak, napagtanto kong tao ang dinadaganan ko. Muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang duguang katawan ni Claire.

Tumayo ako at pilit na tinanggal ang imaheng nakita ko. Tatakbo na ulit sana ko nang masugatan ako ng kutsilyo sa kanang braso.

Napahiyaw ako at tumakbo. Hawak ko ang aking braso para pigilan ang pag-agos ng dugo mula rito.

Napaimpit ako sa hapdi ng sugat ko sa braso.

Rinig na rinig ko ang pagtawa ni Anne habang nakasunod ito sa akin. Habol ko na ang aking hininga, ang lagkit na nang malamig na pawis sa aking noo.

“Tumakbo ka lang, Anna. Hindi mo na ako matatakasan! Alam kong mahina ka na!”

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa wala na akong matakbuhan pa. Ngayon ay nakatayo na ako sa dulo ng cliff. Halos humiwalay ang aking kaluluwa noong nakita ko ang taas nito papuntang ibaba. Tanaw ko ang malawak na dagat.

Umikot ako at tatakbo na sana nang salubungin ako ni Anne, nakangiti habang dala-dala ang kutsilyo.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin, napaatras ako at nasipa ang maliit na bato. Nakita ng aking mata kung paano nahulog ang bato at nawala sa dilim. Napalunok ako sa aking nanunuyong lalamunan at hinarap si Anne. Nakakabingi ang lakas ng tibok ng aking puso.

Laro Tayo (Completed)Where stories live. Discover now