She's Crazy In Love

942 25 4
                                    

Characters:

Kathryn Bernardo as Kolyne

Daniel Padilla as Ry

Bianca Casado as Kim

Julia Montes as Shen

Diego Loyzaga as Pao

Khalil Ramos as Elmo

Enrique Gil as Vin

 (Start..)

SHE'S CRAZY IN LOVE

 "Ang torpe mo talaga pare."

"Di ako torpe no! Hindi ko lang talaga sya mahal."

"Tss. Talaga lang ha?"

"Oo naman."

"Pero bakit ganun mo sya ituring? Kulang na lang na sabihin mong official kayo eh."

"You don't understand, man. There's a reason behind.."

"And what's that reason?"

"Yung bestfriend niya ang gusto ko."

"Ok, gets. Ginagawa mo lang yon para maalapit sa kanya? Tss, hina mo! Di mo na lang diretsuhin. Ginag*go mo pa yung kaibigan niya eh."

"Shut up, I don't need your opinion. Diskarte ko 'to, pre!"

"Ok. Sabi mo eh. Bahala ka, buhay mo naman yan."

Nanlumo ako sa mga narinig ko...

Narinig ko ang usapang 'to habang naglalakad sa hallway at kilala ko yung mga boses na yun.. siya yun at yung bestfriend nyang si Vin. Siguradong sigurado ako na ako ang pinag-uusapan nila.

Ako lang kasi ang ka-close nyang babae pati ang bestfried kong si Kim. Totoo yung sinaba ng kaibigan niya na para niya akong girlfriend ituring. Dahil ganun siya, na-fall ako sa kanya. Pero ang masaklap di niya pala ko sasaluhin. At sigurado ako na yung bestfriend ko ang gusto niya at hindi ako.

Makalipas ang ilang araw.. kinwento sakin ng bestfriend ko na sila na. Di naman alam ng bestfriend ko na may gusto ako sa kanya, sa boyfriend nya. Wala nakakaalam ng nararamdaman ko. Tinatago ko lang yun sa sarili ko. Kaya bilang bestfriend, kunwari masaya na lang ako para sa kanila. Kunwari di ako nasasaktan.

Kahit ang sakit sakit na talaga.

Ako, Si Kolyne Ramos, ay nangangakong magiging masaya na lang para sa bestfriend niya kahit nasasaktan na. Titiisin ko lahat ng sakit alang-alang sa pinakamamahal kong kaibigan. Tatanggapin ko na lang kahit gustong gusto ko nang sapakin at pagtatadyakan ang boyfriend niya ay magpipigil at mananahimik na lang ako. So help me, God.

 Joke lang po. Okay, tawagin niyo na kong t*nga pero ganun talaga,

Ganun naman talaga pag nagmamahal, diba? Kasama doon ang masaktan. Tagus-tagusan kaya sa puso! Pero wala talaga eh. At yung bestfriend ko pa yung mahal ng mahal ko. Saklap, 'no?

At ngayon ay nasa isang mental hospital ako. I'm not joking, seriously.

"Kolyne! Kumain ka na oh." Sabi ni Shen habang inaabot ang tray na may pagkain.

Siya si Shen Ford, ang nurse ko. Kasing-edad ko siya, 19 years old. Siya lang nakakausap ko at nakakaintindi sakin dito sa mental hospital. Close na nga kami eh. Na-share ko na rin sa kanya ang lahat. Alam niyang normal ako at hindi baliw. Dahil kung wala ako sa katinuan, makakausap niya ba ko? Haler? Di niya rin ako pinapainom ng gamot at tinuturukan ng kung anu-ano gaya ng utos sa kanya ng mga doktor. Kasabwat ko 'to eh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KathNiel One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon