4

9.5K 210 2
                                    

-

 Chapter 4

   "Bespren,Wait!" hindi ko na hinintay pa si Bespren at agad na akong lumabas sa Cafeteria. That Nerd! He's getting on my nerves! Respect? ha! Respect his ass!

"Hiningal ako dun ah,And Ohmygod bespren! Bagay kayo ni Aichee!" binilisan ko pa ang paglalakad. Kung maaari ay ayoko ng makita yung Nerd na yun, pati mga kaibigan niya! Sa totoo lang ay mula paglabas ko ng Canteen, ang dami ng matatalim na mata ang nakatingin sa'kin. Kung nakamamatay lang yun ay kanina pa ako pinag lalamayan.

 Dere-deretso lang akong umupo ng makapasok ako sa Room. Aish! Walang modo!

"Allaine! Ang bilis mo maglakad ah? Hooo!" hinihingal na umupo sa katabing upuan ko si Lara. Sumandal nalang ako sa upuan ko. "First time ko nakita si Aichee na kumausap ng--"

"Cut it off,Lara. I'm not in the mood." sabi ko saka ako umiwas ng tingin. Ayoko talaga pag-usapan yung mayabang at walang modo na Geek na yun! Isama pa yung kaibigan niya. Ha! Barney and Friends,eh?

"You're so mean talaga,Allaine! Gusto ko lang naman sabihin na bagay kayo. Hihi!" aniya saka nag madaling bumalik sa upuan niya. Bagay? No way! Puputi muna ang uwak at iitim ang tagak bago ko masasabing bagay kami nung Nerd na yun!

"Good afternoon.Class!" bati ng kapapasok lang na si Mrs.Koy, teacher sa Math. Oh please..Wala ako sa mood mag solve ngayon kaya sana mag discuss nalang siya!

 At buti naman ay tinupad ang hiling ko, natapos ang buong afternoon class na wala akong naintindihan. Ganito talaga ako kapag wala sa mood.

"Ate!" nagulat ako ng pag labas ko ng Room ay nag-aabang sa'kin si Sky. Lumapit ako sa kanya

"Nauna pala kayo mag-labasan. Let's go?" sabi ko saka kami sabay na naglakad patungo sa Parking lot. Pasalamat nalang ako at Safe akong nakapasok sa kotse,i mean. Walang masakit sa paningin akong nakita. kaya naman nawala na ang pagka badtrip ko ng makauwi na kami.

 11pm na ay gising pa din ako. Naghahanap ako ng magandang mababasa sa Wattpad, parang gusto ko ng Horror kasi yung mga nababasa ko ay puro Lovestory at ayoko na nun kasi nai-imagine ko na ako yung bidang babae.Duh! Yung mga kwento sa wattpad ay parang kwento lang din sa Fairytales.

 Nakakita ako ng Horror Story, 'Dara Kara' ang title at si Kuya_Soju ang nagsulat..

{{One of my favourite Author =) Dedicated to Him. Hello po,Oppa! Sana mapansin mo ito. Hehe. GB}}

Kinikilabutan ako sa una palang, pakiramdam ko tuloy ay may mga matang nakatingin sa'kin. Tumataas ang balahibo ko..

Nasa pinaka nakakatakot na part na ako ng may marinig akong kalabog mula sa labas ng kwarto ko.. Napalunok ako, walangya! bakit ko ba naisipan na magbasa ng Horror? Dapat pala ay nagtiis nalang ako sa Lovestory. Muling may kumalabog at tila may naglalakad sa labas ng pinto ng kwarto ko. Tumayo ako saka ako dahan-dahang lumapit sa pinto ko. Dinikit ko pa yung tenga ko sa pinto para marinig yung ingay. May narinig akong yapak, dahan-dahan kong binuksan yung pinto saka ako sumilip. Wala naman? Lumabas pa ako para makasiguradong wala at nang pagharap ko sa kabilang side ay halos manlaki ang mata ko..

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!" sabay pa kaming tumili. Tinuro ko siya. "WHAT THE HELL,SKY! BAKIT GANYAN ITSURA MO?!! MAMAMATAY AKO SA SOBRANG TAKOT DAHIL DIYAN SA ITSURA MO!" sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko. Hinawakan naman niya yung mukha niya

"Maganda daw ito sa mukha sabi ni Mommy kaya nag try ako. Tsaka, bakit ka ba sumigaw ate? Pati tuloy ako ay napasigaw!" saad niya.

"Wala! Bumalik kana nga sa kwarto mo!" sabi ko saka ako pumasok na sa kwarto ko at ni lock yung pinto. Dahil natakot na ako ay hindi ko na tinuloy yung pagbabasa. Ending, natulog ako na nakabukas ang ilaw! Grrr.. Nagtalukbong pa ako ng Comforter.

That Nerd (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon