Chapter 29

384K 12K 4K
                                    

Chapter 29


"

GUTUM NA AKO!"

Kurot sa pisngi ang gumising sa akin. Naalimpungatan ako at napadilat. Nakatunghay sa akin ang nakasimangot na mukha ni Aki.

"Bat tagal mo gising, ha?!" Salubong na salubong ang mga kilay ng bata. "Kanina pa kita gising, lakas hilik mo!"

"Sorry, baby." Bumangon ako. Medyo masakit pa ang mga hita ko. Nang tingnan ko ang oras ay alas diez na ng umaga. Wala na rin si Alamid sa kama.

"Baba ka na, may food na don. Mag-aayos lang ako." Pumasok ako sa banyo at nag-shower.

Tinanghali ako ng gising sa pagod, pero magaan ngayon ang pakiramdam ko. Hindi pa gaanong gumagana ang logic ko. Lango pa ako sa nangyari sa amin ni Alamid sa banyo.

Napatingin ako sa lababo. Nanariwa sa isip ko ang pagkapit ko ron kagabi. Sa sobrang ligaya namin, hindi ko na napansin iyong nakasulat sa salamin. Kahit si Alamid ay hindi rin iyon napansin. Paglabas ko ay wala na si Aki sa kuwarto.

Nag-inat ako at lumabas ng pinto. Ano kaya ang almusal? Gutom na gutom ako e. Siguro masasarap na naman ang ipinaluto ni Alamid kay Diane. Tapos mamaya, fresh fruits sa meryenda. Nakaka-relax. Instant bakasyon kami. Okay na rin. Nakatakas sa mga problema.

Pagbaba ko ng sala ay siya namang labas ni Benilde mula sa kusina. May bitbit na tasa ng umuusok na kape ang babae.

Nandito pa rin siya?

Kulang na lang ay magbuhol ang mga kilay ko ng makita ko ang ayos niya. Kung gaano siya ka-balot kagabi, ay siya namang kabaliktaran ngayon. Skimpy short dress lang ang suot niya! Onti na lang lingerie na!

"Hi!" bati niya sa akin.

"N-nasaan si Alamid?" Shit. Bakit kailangan kong mautal?!

"Ah, nasa study room. Katatapos lang namin mag-usap about business."

Katatapos lang mag-usap na ganyan ang suot mo? Ngali-ngali ko siyang singhalan.

Agad na nabura sa isip ko lahat ng pag-iilusyon ko na walang problema. Unti-unti ay naalala ko kung bakit ako dapat lumayo. Naalala ko na naguguluhan pala ako sa lahat-lahat.

Ang dami ko kasing hindi alam.

Ang dami kasing hindi sinasabi sa akin ni Alamid, pero heto ako at nagtatanga-tangahan na naman dahil nga sa mahal ko siya! May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ilihim at itago sa akin!

Palagi na lang kasi akong nagugulat, nalilito at nasasaktan. At itong Benilde na ito, sino ba talaga siya sa buhay ni Alamid?! At kung makaasta siya, bakit parang mas may karapatan siya sa lahat kesa sa akin?!

"Benilde, may itatanong ako sa 'yo."

"Yes? What is it, darling?" Ngiting-ngiti siya sa akin.

Kapag alam ng babaeng ito kung sino si Aletta, ayawan na talaga.

"Kilala mo ba si Aletta?"

Natigilan siya saka namilog ang mga mata. "What did you just say?!"

Napaatras ako sa nakikitang galit sa mga mata niya. Bakit?

"How did you know about her?" Parang gusto niya akong lunukin nang buo. "How?!" Sumisigaw na siya na lalong ipinagtaka ko.

Kilala niya si Aletta? Pero sino si Aletta? Sino ang babaeng iyon sa buhay ni Alamid?! At bakit galit na galit si Benilde?

"Fuck you," she hissed. "How dare you say that fucking name?!" Dinuro niya ako. "How fucking dare you, you bitch!"

Ano bang nangyayari?!

He Doesn't ShareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon