Trust Issues

172 6 5
                                    

We hate liars yes, sino ba naman ang hindi naiinis sa mga taong sinungaling. Ke white lies pa yan, LIES pa din yan at LIAR pa din sya.

We hate liars but do how can we deal with it if the LIE was made by you and the LIAR is you.

Nagsinungaling ako sa kanya, isang WHITE LIE kasi natatakot ako na pag nalaman nya e magalit sya saken, kaya nung NALAMAN nya, BOOM away na.

He demanded to stay away from my BESTFRIEND dahil BOY si bestfriend na itago nalang natin sa tawag na BF. 7 years na kaming magkasama ni BF at sa tagal ng panahon na yun never naman kaming nagkapalagayan ng loob, pero MINAHAL ko sya bilang isang kapatid kaya nung hiningi ng MAHAL ko na layuan si BF, nasaktan ako pero dahil alam ko na mas lamang ang MAHAL ko kesa kahit kanino man, nilayuan ko si BF para sa kanya.

Matagal na hindi kami nagkakausap, kahit puntahan nya pa ako sa bahay, o kahit magkasalubong sa daan. Tiniis ko na balewalain sya dahil mas MAHALAGA ang gusto ng MAHAL ko.

Naging OK ang lahat samen ng MAHAL ko, walang away, walang gulo. Sa bawat masasayang pangyayari, may mga malungkot na mangyayari. 'Ika nga, dapat BALANSE. Pero kung titignan, UNFAIR ang buhay kasi yung naipundar mo na HAPPY MOMENTS, masasapawan ng isang PAGKAKAMALI at masisira na lahat.

2 days after ng birthday ko, nakita ko na may MISSED CALL si BF at ang usapan namin dati, if something bad happens isang MISSED CALL lang. Bilang bestfriend naman kami sa loob ng 7 years, for old time sake, tinext ko sya dahil nag-alala ako sa kanya.

"Ok k lng? bkt u miscol?" - text ko

"hapi bday! d mu n ako pnpncin eh. misyu" - text nya

Hindi ko na sya nireplyan Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil narealize ko ang napakalaking kasalanan ko sa MAHAL ko. Isang MISSED CALL lang ni BF, nagawa kong sirain ang kagustuhan nya.

Binura ko agad yung message nya at yung text ko sa sent items dahil ayokong malaman pa nya. Sabi nga nila, hindi masakit pag hindi mo alam. Kaya pala ganun kasi SOBRANG sakit lang pag nalaman mo.

Isang araw habang magkasama kami ng MAHAL ko, may nagtext saken at ugali namin na pakialaman ang cell phone ng isa't isa, tutal NO SECRETS kami. Kampante naman ako dahil na-erase ko naman yung message pero WALA naman talagang SIKRETO na hindi nabubunyag.

"may contact pa ba kayo ng bestfriend mo?" - tanong nya saken.

Kampante ako na wala na syang makikita kaya ang sagot ko, "wala na noh matagal na, diba sabi mo hindi na puede?"

"E bakit andito sya sa CALL LOGS mo? Niloloko mo ba ako? NapakaSINUNGALING mo naman!!"

NILOLOKO...

SINUNGALING...

Masakit masabihan ng ganyan lalo na ung CAUGHT IN THE ACT ka na. Hindi ko maiwasan ang hindi umiyak, pero wala naman akong karapatan eh, kasi ako naman talaga ang may kasalanan.

Sabi ng MAHAL ko iiwanan na nya ako ng dahil lang sa nasira kong TIWALA nya. Nagmakaawa ako sa kanya dahil ayoko syang mawala. Mahal na mahal ko sya at nakaya kong isakripisyo ang taong mahalaga saken para sa kanya dahil sa pagmamahal ko. I just made this mistake para di sya masaktan dahil wala naman akong masamang intensyon. Diba hindi naman na ako nagreply?

You see, people judge you not WHY you did it but on WHAT you did. Nagsinungaling ako, niloko ko sya dahil nag-alala ako sa taong sinabi nyang layuan ko.

Sabi ng MAHAL ko, ayaw din nya akong mawala sa kanya dahil MAHAL nya daw ako. Natuwa ako kasi at least he gave me a second chance. He said he FORGAVE me for what I did, just don't do it again.

Syempre, sa second chance na ibinibigay saten, hindi natin yun dapat sayangin. Pero, in all things we do, there are CONSEQUENCES we need to bear.

Naging sobrang mapaghinala nya sa mga ginagawa ko, ultimong katabi sa upuan sa jeep, katabing station sa work, mga kaibigan, dapat babae lang. Hindi ka puedeng kumausap sa mga lalake dahil iisipin nya na naglalandi ka. Hindi mo man lang masabi sa kanya na "Wala ka bang tiwala saken?" kasi madudurog ka pag sinabi nyang WALA.

Umabot sa puntong SINASAKTAN na nya ako, lagi na akong umiiyak dahil lang nawalan na sya ng TIWALA saken, na everytime na magkakaroon sya ng HINALA, magaaway kami at pag pinagtanggol ko ang sarili ko ay MASASAKTAN lang ako dahil wala na akong karapatang magtanong "Wala ka bang tiwala saken?"

Akala ko ba napatawad na nya ako? Bakit lagi nya pa din ibinabalik ang nakaraan? Ganun ba kalaki ang kasalanan ko para pagdaanan lahat ng to? Pano nya nasasabing MAHAL nya ako kung hindi nya mabigay ang TIWALA nya?

Umalis ako sa bahay namin at sumama sa kanya para lang mapakita ko na SIYA lang ang gusto kong pagsilbihan at mahalin. Na SIYA lang talaga ang nasa puso ko. Sabi nga nila, pag may nagawa kang kasalanan sa isang tao, dapat ipakita mong nagsisisi ka.

Akala ko magiging OK na pero mas masakit pala na kahit anong gawin mong paraan para mapatawad ka nya, wala pa din pinagbago. Hanggang kelan kaya ako maghihintay na mapatawad nya?

Sabi nga nila TRUST is the most expensive thing in the world. You earn it all your life, and lose it in a second. Lahat naman tayo nagsinungaling na one way or another eh, pero bakit nga ba ang hirap ibalik ang nasirang TIWALA? Hindi na naman natin maibabalik ang TIWALA na nawala diba? Pero bakit we keep on asking for chances to be forgiven or to forgive someone who lied to us? Niloloko lang ba talaga natin ang sarili natin o masyado lang tayong nagtitiwala sa salitang TIWALA para pahalagaan ito ng sobra?

TRUST sana bumalik ka na..

Trust IssuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon