Ang aking lihim na pagtingin

26 0 0
                                    

Hindi mapakali sa tuwing ika'y naririyan

Hinahanap-hanap ka sa tuwing hindi ka nasisilayan

Hindi mawari kung ano ba itong nararamdaman

Pag-ibig na nga ba ito, dapat ko bang pigilan?

Wala ng iba pang hihilingin

Sana balang araw ako'y mabigyan mo ng pansin

Hanggang kailan ko kaya ito kikimkimin

Ang aking lihim na pagtingin

Palihim na nagmamasid habang malayo ang tingin

Sinubukan na ang lahat upang ako nama'y mapagtuunan ng pansin

Wala ng ibang nais na gawin, kundi ikaw ay aking pangarapin

Kailan ka kaya magiging akin?

Hanggang kailan ko kaya ito gagawin?

Hanggang kailan ako aasa na sana minsan sa buhay ko, ako nama'y iyong mamahalin?

Dapat ko bang sabihin ang aking damdamin?

O mas makabubuti ba na ikaw ay aking lilimutin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Aking Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon