Chapter 10 ~ You And Me

609 10 0
                                    

'Cause it's you and me, and all other people have nothing to do, nothing to lose. And it's you and me, and all other people and I don't know why I can't keep my eyes off for you.

You and Me, Lifehouse

***

APRIL woke up from a blinding sunlight. Pero nakakapanibago dahil hindi mainit, wala kasi silang aircon sa bahay kaya kapag tanghali na ay mainit na. Isa pa ay may brasong nakapulupot sa kanya ngayon.

Katabi niya sa pagtulog si May at kahit kailan ay hindi ito yumakap sa kanyang bewang ng ganitong paraan. Nakaunan pa siya sa kabilang braso nito.

Nanlaki ang mga mata niya.

Hindi nga pala siya umuwi kagabi! At sa condo siya ni Cyril natulog! Katabi niya ito kagabi, ibig sabihin?

Dahan-dahan niyang nilingon ang may-ari ng braso. At hindi na siya nagulat sa nakita.

Cyril's heavy breathing, indikasyon na tulog na tulog pa rin ito. Dumapo ang tingin niya sa side drawer, the digital clock says it's 8 in the morning.

Unti-unti siyang kumalas sa pagka kayakap nito. When she thought she made it bigla namang himigpit ang yakap nito na naging sanhi ng impit niyang pagtili.

Tulog pa ba talaga itong loko na'to?

She looks at his face and it's still peaceful.

Sinubukan niya ulit makawala dito. Pero nabigo ulit siya. She do it 3 times pero ganun pa rin.

She groans in frustration. That's when she heard a chuckle. Kumunot ang noo niya at inangat ang paningin.

The jerk's eyes are still closed but he is smirking.

"Kanina ka pa gising?" Medyo pasigaw niyang tanong dito.

Yes, she's mad! For F's sake, she just woke up and she's pregnant! She has an unbalanced hormones tapos ay kay aga aga siyang bu-bwisitin ng damoho!

"Nope! Just a while ago." Sabi nito na mayroon pang mapanglaro na ngiti.

She again groaned in frustration.

"Let go of me! Gusto kong kumain." May karapatan siyang magtaray sa umagang ito. She's pregnant and she's hungry! Her baby's craving for pancake!

Natatawa na binitawan siya sa pagkakayakap ng lalaki.

"Okay. Okay." Itinaas pa nito ang dalawang kamay na animo'y sumusuko na talaga.

Inismiran nya lang ito. She went to his kitchen. Well gutom talaga siya so wala na siyang hiyang nararamdaman sa katawan. She's looking for a pancake mix, but as expected walang laman ang mga drawer nito kundi instant noodles. And his ref is full of beers.

Nalulungkot na sinara niya ang pinto ng ref.

Pancake.

"Sorry wala ka talagang mahahanap diyan." Nilingon niya ang binata na nasa pintuan ng kitchen. Inirapan niya ito.

"Gusto ko ng pancake." She doesn't like to sound like a 5-year-old kid but she's craving a pancake right now.

Napakamot naman ng ulo ang binata. Ang demanding nito pero wala naman siyang magawa, she's pregnant and she doesn't have a balance hormones.

Maya maya ay humihikbi na ito.

"Oy. Oy! Teka... ito na, bibili na ako sa supermarket. Don't cry." Agad-agad ay nagbihis si Cyril, in a span of 3 minutes he is already running through the condo's corridor para makabili agad ng pancake.

Young HeartsWhere stories live. Discover now