Anna Magdalena: The Untold Story 2

201 18 5
                                    

Day 296

Muli ay di na pumasok pa si Anna mula nong sinampal niya ako sa buong klase.

kaya wala akong nagawa kundi ang hintayin siya sa gilid ng kalasada kong saan ko siya huling nakita at isinakay sa kotse.

marami akong gustong sabihin,

marami akong gustong aminin,

na Mahal ko siya. mali, dahil mahal na mahal ko pala siya.

Hindi ko alam kung paano o kung bakit, basta naramdaman ko nalang at masaya ako.

dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman ko yun.

agad na bumaba ako ng sasakyan nang makita ko ang aura niya, tumawid ako sa kalsada at nilapitan siya.

"A-anna, can we talk?" kinakabahang tanong ko. at the back of my mind, ipinagdasal ko na sana pumayag siya.

"For what?" aniya. nabuhayan ako ng loob.

"sa lahat" nakita kong kumuha ito ng sigarilyo at akmang sisindihan pero kinuha ko yun at inis na tinapon.

rinig ko ang mahina niyang mura na hindi ko usual na naririnig sa kanya kaya napanganga ako.

"Anong lahat?" aniya, tumingin ito sa kanilang side kalsada. nakita kong nagsisitinginan na rin ang ibang mga tao.

"uhh can we talk in private?" mapakla itong ngumisi.

"bakit? nahihiya ka?" hindi ko alam kung dapat ko bang ikasaya na nakikipag usap na ito o hilingin nalang na muling bumalik ang pagiging tahimik nito.

"h-hindi sa ganon k-kaya lang kasi importante ang sasabihin ko sa'yo" pag amin ko.

sumeryuso ito at tiningnan ako.

"dito mo nalang sabihin" aniya. pumikit ako ng mariin saka nag bilng ng ilang beses sa isipan.

"I think.. I .. I like you" nakapikit na pag amin ko. wala akong narinig pa sa kanya kaya mas nilakasan ko pa ang loob ko."No, I don't like you coz I'm already inlove with you" parang nabunutan ako ng tinik sa nasabi ko.

kagaya kanina ay wala akong narinig kaya sabay kong minulat ang mga mata ko at halos magulat ako nangakota ko siyang naglalakad na palayo.

patakbong sinundan ko siya at mabilis na hinila sa braso.

"Bakit mo ako iniwan don? narinig mo ba ang sinabi ko?" malamlam ako nitong tinitigan."ang sabi ko mahal kita"

napasinghap siya sa sinabi ko. hinawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ko at muling nag lakad.

pero muli ko siyang hinawakan at pinigilan.

"ANO BA? BAKIT HINDI KA MAGSALITA? MAHAL NGA KITA" halos iparinig ko yun sa harap ng maraming tao sa lakas ng sigaw ko.

ilang sigundo muna itong natulala, pagkatapos at malakas akong sinampal.

~PAAAAAAK!!~

"Nababaliw ka na!" aniya, nanlaki ang mga mata ko saka dahan dahang tiningnan ang mukha niya."tigilan mo na'to dahil hindi mo alam ang pinagsasabi mo" aniya at iniwan ako.

sumakay ito sa kotseng pula at wala akong ibang nagawa kundi ang manlumo at mapayuko sa sobrang sakit na naramdaman ko.

Day 299

Recollection day namin ngayon. hindi ko alam kung sasali siya o hindi.

simula kasi nong gabing nag-usap kami ay hindi na kami muling nagkita pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anna Magdalena: The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon