THE SINGER -5

3.7K 47 0
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jasmine Del Rosario
THE SINGER
by: Blackrose

(Flashback Continues)

Chapter 5

'Are you ready MJ?'

'Very much ready Boss.'

Handang-handa na ako para sa first major concert ko. Happy ako dahil alam kong nasa VIP seats na ang mga magulang ko at si Nathan. So this is it. I'll just enjoy everything kasi first major concert ko ito.

'Hey! You with me right.' akbay nito sa balikat ko.

'Yes Miko. I love to be with you.' pina-sensual ko ang tono ng boses ko. Then I look straight closely at his face.

'Don't do that MJ. Baka makalimutan kong may boyfriend ka na at kaibigan ko pa eh mahalikan kita diyan.' umatras ito palayo sa akin.

'Okay. Let's go?' hawak ko sa braso nito at ngumingiti.

'Let's do this, let's paint this place with love.' hinawakan ako sa kamay sabay pisil nito.

After namin magtinginan sa isa't-isa ay naglakad na kami papuntang stage.

The crowd roar ng makalabas kaming dalawa ng stage. Mas lalong lumakas ang ingay ng pinakilala ako nito.

Iniwan ko na si Miko mag-isa muna sa stage. Kakanta pa siya ng tatlong solong kanta niya as guest singer ko then ako naman after niya.

Nasa backstage na ako, resting when I heard shouts mula sa likod ko. Pagtingin ko ay si Nathan pala yun at ang mga magulang ko. I hug them one by one.

'Congrats anak ko.'

'Congrats anak ko. Proud na proud ang tatay sa'yo.'

'Ang galing mo babe. I love you.' sabay abot nito ng bouquet of long-stemmed red roses.

Nag-group hug kami then they congratulate me again.

After kong magsolo ng limang love songs ay pinalitan ako ni Kristine at James na guests singers ko rin tonight.

Mabilis lang akong nagpalit ng isang long cut na black dress. Mahaba ang slit nito sa kanang binti ko. I just bun my hair at nag-iwan ng ilan loose strands.

Pumasok na ako para sa aking final na performance ko. Pumailan na ang intro ng kakantahin ko. Nagulat ako ng may kumantang iba. Si Jonathan ang kumakanta ng kantang YOUR LOVE ng bandang ALAMID. I am so shock dahil first time ito.

Nag-standing ovation ang mga tao ng matapos ang huling kanta ni Jonathan na sinasabayan ko rin.

Niyaya ko lahat ng staffs at ilan guests sa bahay. May konting salu-salo lang. It's like a small celebration lang for a successful concert.

Nagkakasiyahan na sa loob dahil panay ang pagpapatawa ni Miko. Mamaya pa ay niyaya ako nila tatay at nanay sa garden. Umupo kami ni nanay sa steel chair habang ang tatay ay nakatayo lamang.

'Anak.'

'Nay, Tay, maraming salamat po kasi kinumpleto ninyo ang gabing ito. Maraming salamat po kasi nagpunta kayo.' niyakap ko si nanay.

'Anak, mamaya ay aalis na kami ng nanay mo.' may lungkot sa mga mata nito.

'Pwede naman na bukas kayo umuwi tay, nay. Gabi na. Bukas na lang tay. Dito na muna kayo tutal ay may isang linggo akong pahinga pwede tayong mamasyal muna dito.'

'Kasi anak, may aasikasuhin kami bukas ng umaga. Kailangan nandoon kami ng tatay mo. Importante yun anak.'

'Saka anak, napakasaya namin ng nanay mo dahil sikat ka na. Sikat na sikat ka na anak. Natupad na ang pangarap namin ng nanay mo sa'yo.' naluluhang sambit ni tatay.

Marias Of My Life -MARIA JASMINE DEL ROSARIO (THE SINGER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon