Chapter One:

23 1 0
                                    

[**One message**]

Hello :) si klein po to. Yung kachat mo kanina sa fb.

[**End of message**]


Wow hahah bilis naman magtext kakabigay ko lang ng number ko.


"Yana! kakain na! Selfie ka na naman ng selfie" tawag sakin ni papa


"Opo. Nandyan na" nagreply muna ako bago ako lumabas ng kwarto.



[**Dining area** ]



"Pa hindi nga ako nagseselfie nag ffb ako" sabi ko habang kumakain. Inaasar kasi ako ni Papa.


"Oo nga, selfie nag cecellphone ganun din yon" natatawang sabi ni papa. Yes, selfie ang tawag nya pag nag cecellphone ako kulit no?



"Bilisan mo kumain at malelate ka na sa school magagalit na naman teacher mo" pagmamadali sakin ni mama.



"Yes po ma." After nun nag ayos na ako dahil papasok na ako sa school. Walking distance lang naman siguro mga 20mins na lakad.



Ako nga pala si Vianna clesh Austin. Yana ang palayaw ko 16 years old at Grade 10 sa Saint Jude High school. Saktong buhay lang hindi gaanong mahirap pero di may kaya if you know what I mean.



Papasok na ako sa school. Mahirap na mamaya mag top 2 pa magagalit si mama. Grade conscious kasi si mama mas gusto nya lagi akong top 1.



[**school**]



" kyahhhh!!!! Yana may naglagay na naman ng flowers and chocolates sa desk mo! Ganda mo girl" bungad sakin ng bestfriend kong si Liza. Papasok palang ako ng classroom nyan



"Hay nako. Wala akong panahon sa ganyan. Iyo nalang " sabi ko habang inaalis yung mga kalat sa desk ko sabay bigay kay liza.



"Grabe ka naman friend! Ang sweet kaya" may pakilig kilig pang arte si Liza. Ew! 16 years old palang ako at wala akong panahon sa mga kalandian.



"Mas maaappreciate ko pa yan kung icash nya nalang jusme " Pandagdag din yun sa pangproject at assignment para di ko na kailangang humingi kila mama.



"Hahaha sige na nandyan na si Maam upo na ako" nag start na yung discussion . Aral then aral tas lunch then aral ulit. Wala namang bago maliban nalang pag may program dahil ipupull out ako para mag meeting. Student council president pala ako ng Saint Jude kaya busy talaga pag may program pero worth it naman yung points na makukuha mo.



Natapos din yung araw ko sa kakaaral bale 5pm na din naman. Pagkauwi ko sa bahay sinalubong agad ako ng bunso kong kapatid.




"Ate pasalubong ko? " natawa nalang ako sabay abot sakanya ng chocolate. Buti nalang kumuha ako ng chocolate doon sa bouquet na iniwan sa desk ko.



Loving Him is CrimeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt