Chapter 22

529 5 0
                                    

I dedicate this chapter to her. She's a fan tapos nilagay pa niya yung story ko sa reading list niya! Salamat ah? :* 

Chapter Twenty Two

NICKA'S POV

Four days to go at uuwi na kami ni Baron. Kamusta New Year namin? Ayun, masaya naman kaso si Baron naging moody nanaman. 

Ewan ko ba diyan, bigla na lang nawawala sa sarili. Inaalala ko na lang siya dahil nga ayaw niya sa lugar na to.

"Iha, patulong naman sa pagluto nito oh." Lola Debbie

"Sige po. Ano po yan?"

"Yema Cake. Baker ka din diba?"

"Opo hehe. Bakit nga po ba ito?"

"Eto kasi yung favorite ng mama ni Dave, 6th death anniversary kasi ng mama niya ngayon, kaya medyo tahimik siya."

"Ganun po ba? Sige po, tulungan na po kita diyan. Para po kay Mrs. Reyes."

"Mabait ka nga talaga. Swerte naman ng apo ko sayo."

"Swerte ko nga rin po sa kanya."

"Bakit?"

Tinignan ko si Lola Debbie tapos huminga ng malalim.

"Kasi, kahit po nagkaroon ako ng boyfriend hindi pa rin niya ako iniwan. Andiyan pa rin siya."

"May boyfriend ka na pala."

Sabi ni Lola habang gumagawa ng cream. Mukha ngang naghihinayang si Lola eh. 

"Wala na po. Matagal na po kaming wala ng boyfriend ko. Hindi ko nga alam kung nasaan na yun eh."

"Ahh ganun ba. Oh sige, mamaya na ang kwentuhan. Gawin na natin to."

"Hahaha! Sige po."

Nagbake na kami ni Lola Debbie. Marunong pala siya, siguro dito nakuha ni Baron yung skill niya sa baking.

Pagkatapos naming magbake, pinatawag sa akin ni Lola si Baron sa bahay niya. Tae naman oh, paglalakarin pa ako. 

Teka teka, nasaan ako? Bakit parang dumidilim na ata dito? Oh my gosh. Please, sana na-

"Ma, miss na po kita."

May narinig ako sa gilid na boses. Si Baron siguro yun. Pinuntahan ko siya kung saan ko man narinig yung boses niya.

Nung nakita ko siya, lalapitan ko sana, kaso... kailangan niyang mapag-isa. Nagtago na lang ako para marinig ko kung ano yung sinasabi niya.

"Ma, kasama ko nga pala yung babaeng mahal ko. Gusto ko nga sanang ipakilala ko sayo ngayon kaso hindi naman kami eh. Next time na la-."

*toot toot*

Sinagot ni Baron yung tawag sa kanya. 

"Oh Mich, bakit?.... Hindi ko pa nasasabi...."

Nasasabi ang ano? Teka, meron ba akong hindi alam?

"Sige nga paano ko sasabihin sa kanya?.... Uy, deal lang yung panliligaw namin sayo ni Michael.. ganun ba?"

Nagulat ako sa narinig ko. Deal lang yun? H-hindi niya talaga ako minahal? 

"Deal lang ang lahat?"

Reaching You [Fin;Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon