Chapter XVI

603 9 1
                                    

|SIXTEEN| FIRST JOB: A GIRLFRIEND ACT (PART TWO)

"......Crazy about her."

 Grabe di man lang ba kinikilabutan si Third sa mga pinagssasabi niya? 

Kasi ako? Talagang kinikilabutan na sa mga pinag-gagawa niya eh...

"NO! You're lying! Imposibleng magkagusto ka sa babaeng yan!" Lumapit siya kay Third tapos hinawakan niya yung isang kamay ni Third kasi yung isang kamay ni Third hawak pa rin yung kamay ko.

"Third tell me you're lying. Diba sabi mo sakin that night na AKO lang." Sabi niya nang hindi nakatingin kay Third kundi sakin. Napaka DESPERADA naman nitong babaeng 'to! Grabeee! Ang sarap suntukin! Kala pa ata niya magseselos ako sa mga pinagsasabi niya. Sorry ka na lang Teh ARTE lang ang lahat nang 'to. 

"Debra pwede ba!" sabi ni Third tapos inalis niya yung pagkakahawak ni Debra sa kamay niya. "You're so pathetic" Awww grabe naman parang ang sakit naman nun. Kung sakin yung sasabihin parang-- hindi ko maexplain.. Pero grabe naman kasi 'tong Debra na 'to ang dami namang lalaki sa earth pero dito siya nagpapakabaliw sa ungas na 'to! 

"Third please don't say that!” mula kay sakin naman siya tumingin at pramis para gusto niya kong lamunin nang buhay.  Lumapit siya sakin….

“YOU!!!”

*PPPPAAAAAAKKKKKKKK* 

“Debra what do you think you’re doing!”

“THIRD IT’S ALL HER FAULT! SHE’S A WITCH!! GINAYUMA KA NIYA I’M SURE! JUST LOOK AT HER IMPOSIBLENG MAGKAGUSTO KA SA KANYA! KASI AKO LANG ANG MAHAL MO DIBA!?”  

Hindi ko alam pero hindi agad ako nakagalaw nung sinampal ako nang- *don’t-make-her-say-the-word*  Grabe ngayon lang ako nainis nang ganito dahil wala pang kahit sino ang naglakas loob na sumampal sakin.  AT WALANGYA ANG SAKIT NANG SAMPAL NIYA!

Lahat nang inis ko naipon na…

At eto na…

WAR-FREAK MODE ON!

//maghanda na po tayo sa kayang gawin ni Justine//

Inayos ko yung salamin na suot ko. Tinignan ko siya nang sobrang sama  hawak siya ni Third dahil parang gusto gusto niya na kong talupan nang buhay. Well sorry ka na lang dahil ako ang ginalit mo..

Lumapit ako sa kanya at….

*PPPPPAAAAAKKKKK*

Sinampal ko siya na pati yung kamay ko humapdi. Buti nga yan sa’yo…

“What the—“ Debra.

“Ganti lang sakit ng ginawa mo eh”

*PPPPPPAAAAAKKKKK*

Sinampal ko ulit siya. Yung kasing sakit nung kanina yung sampal ko.

“Yan magpasalamat ka sakin kase pinantay ko.”

Naktingin lang siya sakin. Parang naiiyak na ata siya. Tsss… Sorry siya pero di niya ko madadaan sa drama niya.

“Let’s go Babe” BABE!? Saang lupalop naman ng utak ko nakuha yung BABE na yun!? PWE PWE kadiri! Bakit ko naman sinabi naman nasabi yung nakakakilabot na salita nay un!?

“Ah…. Yeah” Naku muhkang nagulat ‘tong Third na ‘to sa ginawa ko. Kase nakatingin lang siya sakin tapos parang manghang-mangha siya? Pero buti naman di niya narinig yung sinabi ko kanina kase sigurado aasarin ako nang siraulong ‘to.

Mr. Casanova's RevengeWhere stories live. Discover now