Prologue

105 2 0
                                    

Trapped By You

Written

by

EXOcusezmoi

Copyright © 2014 EXOcusezmoi

ALL RIGHTS RESERVED.

Prologue

Dapit hapon na't palubog na ang mahal na araw. Aba syempre, dismissal na rin ng mga elementarya. Yung iba'y deretsyo uwi at yung iba'y naglaro pa ng luksong baka sa playground, hayyy bakit ba walang luksong kambing or luksong aso? luksong pusa? luksong daga?

Pero may isang totoy na HINDI-PA-TULI in short "supot", ang umiiyak este humahagulgul habang dinuduyan ang sarili sa isang swing sa mini-park ng school na pinapasukan niya.

Siya'y kadalasang tinatawag na 'NERD' dahil naka-eyeglasses siya at may brace sa ipin. Waddapak. Porket naka-eyeglasses NERD agad? Diba pwedeng MALABO MUNA EYESIGHT? Juskooow ha.

Humahagulgul siya dahil nabutas brief niya, dejoke. Humagulgul siya dahil nakipag-hiwalay sakanya ang kanyang UNANG IROG. Nuxx nemen. Akalain niyo yun? Elementary palang lumandi na agad si totoy-na-hindi-pa-tuli.

Ganito kasi yan, nakipag-break sakanya ang kanyang unang SYOTA dahil daw ang baduy niyang pumorma. Oh diba? SO SHALLOW. NAPAKABABAW. Tandang tanda pa ni #MedyoTotoy ang mga katagang sinabi sakanya ng dalaga nung siya'y nakipag-break sakanya "ME IS BREAKING UP WITH YOU 'COZ YOUR SO JOLOGS FROM HEAD TO FOOT. EWW" kahit medyo wrong grammar at trying hard um-english ang punyetang malanding babaeng yun ay naintindihan parin ni Hashtag-Medyo-Totoy.

Parang REGLA yung sakit na naramdaman niya nung narinig niya ang mga katagang yun, KASI "TAGOS" MEN. IT HURTS YOU KNOW.

"Ganito pala ang pakiramdam ng ma-broken hearted" humihikbing saad ng binata sa kawalan. May pinaniniwalaan kasi siya na "REAL MEN, CRIES". Kaya ayan, todo iyak plus tulo uhog siya.

Nagulat na lamang siya nung may panyong naka-lahad sa harapan niya. Agad siyang napatingala sa taong nag-aabot neto at nasilayan ang isang dalagita.

"Kunin mo na oyy. Wag ka ng mahiya. Wala ka namang hiya eh hehehe" feeling close na sabi ng dalagita.

Natawa si #MedyoTotoy sa sinabi ng neneng. Weird noh? Sinabihan na nga siyang walang hiya tumatawa pa siya. #MEDYOBOPOLS rin eh.

Makalipas ang isang minuto sa pagpupunas ni #MedyoTotoy ng luhat't uhog niya ay akmang ibabalik niya sa dalaga.

"Ewwww. Sayo na yan okay? Baka magkaroon pa ako ng diabetes" wika ng dalaga na nakaupo sa katabing swing ni #MedyoTotoy.

Hanudaw? Diabetes? Anong konek? Juskoow.

"Uhmm salamat"

"Welcome. Ayy ang bakla mo ha. Bakit ka naiyak?"

'Sows. BAKLA daw? Halikan ko siya eh' maharot na sabi ng isip ni #MedyoTotoy.

"Ahh. Nakipag-break kasi sakin gee-eef ko"

Nagsimula na naman siyang humagulgul. Hayy ang OA na niya ah.

"Alam mo ba ang sakit sakit!! Akala ko siya na ang babaeng aking iibigin hanggang sa dulo ng walang hanggan pero di pala.."

Tahimik lang ang dalaga at pinapakinggan ang mga spiels ni #MedyoTotoy.

"Akala ko siya na ang THE ONE like headandshoulders pero hindi pala. Siya ang unang gf ko pero sinaktan lang niya ako. *sniff* Sana di nalang kasi ako nag-syota syota eh *sniff* Kung humanap kaya ako ng panakip butas? Ang sakit sakit lang kasi eh" humihikbi paring sabi ni #MedyoTotoy.

Wow naman. PANAKIP BUTAS? BIG WORD!

Bago magsalita ang dalaga'y huminga siya ng malalim, yung tipong mas malalim pa sa atlantic ocean. Biruin nito nalang kung gaano kalalim yon.

"Mhen, lemme tell you somethin' FALLING INLOVE IS LIKE ENTERING A DIFFICULT MAZE, ONCE YOU ENTERED, THERES NO TURNING BACK, KASI MALILIGAW KA LANG PATUNGO SA EXIT. THE BOTTOMLINE IS YOURE TRAPPED NOW! THE ONLY WAY TO GET THE HELL OUT SA MAZE NA PINAPASOK NATIN IS JUST TO ACCEPT THE FACT THAT THEY'RE NOT THE ONE WHO'S MEANT FOR US. WE DON'T HAVE TO FORGET THE GOOD OR BAD MEMORIES WE SHARED AND CURSED THEM ON THE PITS OF HELL JUST TO MOVE-ON"

"Ha?" Naguguluhang sabi ng binata. Di niya kasi maintindihan ang tinuturan ng dalaga.

"BOI, 'ACCEPTANCE' LANG ANG KAILANGAN MO AT MAKAKA-LABAS KA SA MAZE NA PINASOK MO"

Di rin talaga alam ng dalagita kung saan niya nakukuha ang mga sinasambit niyang mga kataga ngayon kasi di naman siya expert sa lecheng peg-ebeg at wala pa siyang karanasan sa mga ganyang bagay. Siguro napulot niya lang yun sa panonood ng mga korean novela at pag-babasa ng mga romance stories. Certified hopeless romantic kasi siya gaya ng author na trying hard maging author. Ajejeje~

"AT ANG 'REBOUND' AY PARA LANG SA MGA INUTIL AT STUPIDO. HINDING HINDI YAN ANG SOLUTION SA PROBLEMA MO MHEN. BAKIT KA PA MAGSASAMA NG ISANG TAO SA MAZE? EH MALAY MO MA-TRAPPED RIN SIYA DIBA? -,-"

Tumango-tango ang binatang sawi sa pag-ibig bilang pagsang-ayon sa sinasabi ni #MedyoNeneng.

"REMEMBER: WHEN YOURE INLOVE, AUTOMATIC YOU'RE TRAPPED"

CAPSLOCK daw para intense.

Tumayo na ang dalaga sa pag-kakaupo sa swing dahil napansin niyang dumidilim na kaya nag-paalam siya kay #MedyoTotoy na uuwi na. Bago siya tuluyang makalayo ay liningon niya muna ang binata na nakatingin pala sakanya at ngumiti tsaka kumaway paalis.

ISANG NAPAKATAMIS NA NGITI....

Dug.dug.dug.dug.dug

Sa sandaling 'yun alam ng binata na pinasok niya ulit ang isang panibago at mas mahirap na MAZE and HELL YEAH---he's effin TRAPPED.

**

Author's Note: I edited this like million times-kahit hindi halata XD Craaap! So, yeah I'm really thankful po sa mga magbabasa ne'to kung meron man :) *hugs and kisses* Btw, dedicated ang book na'to sa mga favorite authors ko na naging inspiration ko sa pagsusulat dahil sa mga likha nilang magagandang akda LOL.

PS: First, dedicated to kay ate Leng Anne De Chavez ahihihi :) I love you po ate Leng HAHAHAHA. #LENGSTER XD

PS2: #BAYRUS #Vean #Wesky #Chesnine #AlphabetCouple #KevJeDuo magpakailanman XD

Trapped By YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora