Chapter 5

10.8K 400 422
                                    

AN: Lahat ng mga nakalagay dito mga kagustuhan ng malilikot na isip ko. Hahaha. Malikot kasi ako eh😂😂

-----------------------------------------------------------------------------

Jessy P.O.V

Halos hindi ako makatulog dahil sa iniisip ko ang kalagayan ni, Helga.
Ano'ng oras na rin umalis 'yung limang lalaki at kahit hindi ko nakita kung ano ang nangyari, hindi naman ako tanga para hindi ko alam kung ano ang ginawa nila 'kay Helga.

Hindi makatarungan naman 'yun, galing ka na nga sa laban tapos kapag natalo ka alin man sa dalawa ang piliin mo parehong mahirap. Limang lalaki sa isang babae? Sobra na sila sa parusa kawawa naman si Helga.

Bumangon ako dahil hindi na talaga ako makatulog, napagtingin ko sa oras na nakasabig sa dingding alas singko palang ng madaling araw at malamang mga tulog pa ang kasama ko. Bumaba pa rin ako suot ang pajama at puting t-shirt.

Madilim-dilim pa sa baba dahil patay ang ibang ilaw dahan-dahan akong bumaba sa hagdan dahil baka madulas ako, pero napahinto ako ng may maaninag ako banda sa mini bar isang anino ng lalaki dahil malaking tao ito at may suot na sumbrero.

"Bakit bumaba ka?"

tanong nito sa akin sa seryosong tono ng boses. Nakilala ko agad ito. Si Boss Ahraw, pero bakit siya nandito ng ganitong oras?

Humugot muna ako ng paghinga bago sumagot. "Hindi ako makatulog." sagot ko lang at nagpatuloy na ako sa pagbaba.

"Dito ka, samahan mo akong uminom."

Mahinang bigkas niya sa akin na kinagulat ko. Nagulat man ako sa sinabi niya pero nakabawi rin ako agad. Hindi ako puwedeng tumanggi dahil simula ng mag-makaawa ako na isama niya alam kong sa kanya na nakasalalay ang buhay ko.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya umupo sa katabing upuan at dito malaya kong nabistahan ang kanyang mukha, tama nga ako na gwapo siya at kahit matapang ang kanyang personalidad hindi 'yon nakabawas sa kanyang taglay na ka-gwapuhan. Siguro mga nasa bente singko na siya o higit pa, hindi pa naman ganon siya katanda. May pamilya na kaya siya?

"Mamaya sa sama ka sa akin," muling salita nito.

Napalingon naman ako sa kanya at tiningnan ko siya na nagtatanong.

"Saan naman tayo pupunta?" kaswal na tanong ko habang nagsasalin ng alak na iniinom nito, tiningnan pa ako nito ng lagukin ko ng walang alinlangan ang alak na iniinom niya.

"Wala ka ng pamilya, tama? Walang dahilan para mag-alinlangan ka sa mga gagawin mo at ipagagawa sayo." litanya niya imbis na sagutin ang tanong ko.

Napatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya at iniisip ko na siguro pina-background check na niya ako.

"Lahat ng mga tao ko dito ay pag-aari ko kaya walang puwedeng sumaway sa lahat ng kagustuhan ko," pagpapatuloy niya at lumagok ng alak.

Tahimik na pinapakinggan ko lang ang lahat ng sinasabi niya.

"Pero hindi naman makatarungan ang parusa na binibigay niyo," seryoso na sabi ko. Hindi siya sumagot hindi ko alam kung galit siya o nag-iisip ng isasagot.

"Sa dalawang pagpipilian mo, mas mainam na ang sarap. Dahil kung hirap ang pipiliin mo baka do'n palang mamatay ka na." sagot naman niya sabay lagok muli ng alak.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis pero hindi ko pinahalata.

"Sarap?" pagak na natawa ako. "Paanong masasarapan kung limang lalaki ang gagalaw sa kanya?" naiinis na wika ko. "Kung sakaling mangyari sa akin 'yon mas pipiliin ko ang hirap 'kaysa ang babuyin lang ako ng kung sinu-sinong lalaki," inis na turan ko.

Till i Met The Mafia Lord (R-18) (COMPLETED)Under Editing #Wattys2019Where stories live. Discover now