Kabanata XI

3.1K 71 28
                                    

KILL'S POV

Nahuli ko sila bago sila makatago.

Tumingin si Death sa akin ng may pagtataka.

Nagmamadali akong umalis dahil paniguradong may mangyayaring hindi maganda ulit.

Pagkalabas ko sa exit ng paaralan may kotse na ang sumalubong sa akin.

"Sakay na." Napataas ako ng kilay. Alam ni Soul ang nangyayari ngayon.

"Lagi ka talagang dumadating sa tamang oras." Sumakay ako sa passenger seat. Tumawa siya ng malakas.

"Basta kapag ikaw." Pinaandar niya na ang kotse at umalis na kami.

Sinuntok ko siya sa balikat bigla, kahit kailan itong lalaking ito, laging nandiyan kapag may kailangan ako.

"Kill! Kapag nabangga tayo rito, maraming babae ang iiyak, siyempre alam kong kasama ka sa mga iiyak. Pero wag muna ngayon, please." Tiningnan ko siya ng masama, hindi talaga natatanggal ang pagiging mahangin ni Soul.

"Ano? May sinabi ba akong masama?" Reklamo niya, inirapan ko siya.

"Tumahimik ka nalang at magmaneho." Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

"Dito ka nalang magpalit, para hindi ka mahuli na ikaw ang nasa likod niyan. Wag kang mag-alala di ako titingin." Biglang napalingon ako sa likod, may sumusunod sa amin.

Sila yung nahuli ko kanina.

"Soul, may sumusunod na sa atin." Binilisan na ni Soul ang pagtakbo ng kotse, nagU-turn kami at umiwas sa rush hour ng mga ordinaryo.

Dumaan nalang ng kung saan si Soul, para mailigaw ang mga sumusunod sa amin. Kahit nailigaw namin ang iba, mayroon paring nakaka sunod sa amin.

Kinuha ko ang pistol ko at sinilip ako ni Soul. "Wag mong gagawin yan, maraming ordinaryo ang madadamay. Gagawa ako ng paraan para mailigaw ko sila. Magtiwala ka lang sa akin Kill."

Mas binilisan niya ang pagtakbo at gumagawa siya ng paraan na lumaki ang distansya namin sa mga sumusunod sa amin bago lumiko.

Kahit paikot-ikot na ang ginagawa ni Soul. Nahahabol parin kami.

"Kailangan na natin gumawa ng ibang paraan, Soul." Seryoso lamang si Soul sa pagmamaneho, kapag wala na talaga itong matutunguhan, kikilos na ako.

Mga ilang minuto napansin ko na wala nang nakasunod sa amin.

"Sabi ko sayo, magtiwala ka lang sa akin." Kahit wala na sila sa likod namin, alerto parin si Soul.

Ibang daanan na ang kanyang ginamit at napadpad kami sa hindi ko inaasahang lugar.

Pumunta kami sa bar na lagi naming pinupuntahan. "House scotch on the rocks." Order ni Soul. "Kill, naiwasan man natin sila ngayon, paniguradong babalik ulit sila para sayo."

Alam ko iyon, siguro iiwasan ko muna ang pumasok sa paaralan. Hindi na ako masyadong kampante sa maskarang ito dahil nalalaman na ng mafia clans na ako ang nasa likod nito. Pero tama nga ba na umiwas ako?

Nang binigay ng bartender ang order ni Soul, lumingon ito sa akin. "Martini." Tumango ito at ginawa na ang aking inorder.

"Soul, alam kong naitanong ko na ito sa iyo. Sigurado ka bang tayong dalawa lamang ang nakakaalam tungkol sa maskarang iyon?" Sinerve ng bartender ang inumin ko, sasagot na sana si Soul nang tumingin ito sa likuran ko.

"Mukhang narito ka nga." Narito si Die, paano niya nalaman na ako'y naririto? Tiningnan ko si Soul, nagkibit balikat lamang siya.

Kinuha ko yung martini ko at ininom ito.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon