Kabanata IV

5K 102 17
                                    

KILL'S POV

Di muna ako pumasok sa klase ngayon dahil kailangan kong pagtuunan ng pansin ang bagay na ito, kaya nagpadala ako ng excuse letter kay Soul.

Nasa condo lang ako ngayon at nagreresearch ng mga impormasyon ukol sa Sorrow Rose.

Mafia Lafauci Code 5455
Welcome to the portal of Lafauci Clan

Tinaype ko yung Mafia clans sa portal ng pamilya namin.

Results:
Averon Clan
Astre Clan
Bouht Clan
Claigh Clan
Demour Clan
..........
..........

Sa tingin ko, di ko ito mahahanap rito. Halos ang lumalabas ay mga low at middle Mafia clans, mga taliwas sa pamilya namin.

'Covenant Clans List'

Ayan ang binuksan ko, ito ay isang bahagi ng portal na kung saan matatagpuan ang mga listahan ng clans na bahagi sa top class ng Eastern Mafia World. Tanging ang miyembro lamang ng pamilya ng Lafauci ang makakaaccess nito dahil sa confidential nitong importansya.

Medyo nag-aalangan akong buksan ito dahil malalaman ni Ama na binuksan ko ito. Pero dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan kong malaman ang mayroon ang Sorrow Rose maliban sa kaalaman ko, bubuksan ko ito.

Kioreen Idiode Levticeur Lafauci
KILL
CODE: 5455

Tinaype ko na yung Sorrow Rose rito.

Sylokin clan who has the symbol of Sorrow Rose. They have 4 members in the family, the head of this clan is Hugo Irvin Sylokin, and his wife is Afriotte Sylokin with their only heiress Yurtrie Elight Sylokin, their son died due to an incident 10 years ago.

Their clan is known as the clan of having the Mafia rebels as their underallies from the Southern Mafia World.

This Clan ranks as the 6th Powerful Clans in the Eastern Mafia World. They have the technologies with their own invention, the weapons, and the ability to stand in this rank.

Sa insidente kahapon, pinapa-imbestiga ko kay Soul ang nangyari kahapon kasabay ng pagbalita din sa akin ng reaper ko, nalaman ko na parehas na Mafia rebels ang mga ito.

Hinanap ko ang address ng mansyon ng Sylokin. Malapit ito sa boundary ng Southern, kaya pala halos Mafia rebels ang kanilang nakukuha.

Nang makuha ko ang dapat kong alamin, kinuha ko na ang mga kailangan ko at tumungo sa mansyon ng Sylokin.

Pagkarating ko sa bahagi ng teritoryo ng Sylokin, may mga bantay na kaagad rito. Mabuti nalang hindi ako dumiretso ng basta basta. Tiningnan ko ang oras, alas-nuwebe na ng gabi.

Bumaba ako sa kotse ko at nagtago sa isang bahagi para magmasid.

Minamasdan ko kung ilan ang naririto. Kung Mafia rebels sila, sigurado akong hindi ito organisado sa pakikipaglaban bilang isang grupo dahil sanay sila maging mag-isa.

Siguro kailangan ko lang makalusot sa kanila nang hindi nakikipaglaban dahil sa tingin ko di rin sila magtatagal sa pwesto nila.

Nagtago lang ako sa may kakahuyan, at naglakad ng nakababa ang katawan para di ako makita kaagad.

Hinanda ko na rin ang sarili ko kung may makakapansin sa akin kaagad.

Nang makarating na ako sa pader ng pagitan ng mansyon ng Sylokin, sinilip ko ang nagbabantay sa gate nila.

Ginamit ko ang dala kong Arctic .50 ko at ginamit ang scope para tingnan ito.

Mayroong 5 tao na nagbabantay sa gate.

Book 1: BEAUTY and her MASK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon