Chapter 22: Queen

4.6K 139 11
                                    

Medyo SPG.

==

Nabigla ako sa nalaman. Wala ng pamilya si Luke. Mag-isa lang siya sa buhay. Paano niya nakakayang mag-isa? Nanghihina akong tingnan siya. Magkasama kami sa labas ng bahay at magkahawak-kamay na nakaupo ng tahimik.

Ikinuwento niya sa akin ang buhay niya. Bata pa lang siya nang namatay ang kanyang ina. Hindi kinaya ng ama niya ang pangungulila kaya ilang araw lang ang nakakalipas ay nagpakamatay ito sa loob mismo ng kwarto nila.

Kinuha siya ng kapatid ng kanyang ama at pinag-aral pero kahit gano'n, ang laki siguro ng trauma niya.

Pinagmasdan ko si Luke. Tahimik lang siya pero nakangiti. Totoo kaya ang mga ngiting ipinapakita niya? Hinaplos ko ang kanyang kamay at humilig sa kanyang balikat.

"Totoo bang masaya ka ngayon?" tanong ko.

Gusto ko siyang damayan. Gusto kong gawin ang lahat ng kaya ko para huwag na siyang maging malungkot pa.

"Ngayon lang ako naging totoong masaya. Ngayong kasama kita."

Kahit na sinabi niyang masaya siya sa piling ko ay may kirot akong nararamdaman. Gumuhit sa aking isip ang mga tagumpay ni Luke bilang modelo at artista pero wala siyang pamilya. Walang pamilya na sasalubong at babatiin siya sa kanyang mga tagumpay.

Bigla kong naisip, wala siyang makakasama mamaya sa paghihintay ng pagsapit ng pasko. Ganito ba siya parati? Mag-isa lang siya.

"Luke, gusto mo bang dito magpasko?" Ipinikit ko ang aking mata. Papayag kaya siya?

"Ito ang unang beses na makakasama kitang magpasko kaya imposibleng humindi ako. Pero ayos lang ba sa kapatid at papa mo?"

Nakahinga ako nang maluwag. Ngumiti ako at tiningnan siya sa mata.

"Matutuwa sila kung dito ka sa amin."

Naghahanda na sina Ismael ng kakainin namin. Hindi ganoon karami ang handa pero sapat na ito para sa aming apat.

"Kung alam ko lang na dito ako magpapasko, sana nakabili ako ng mga pagkain."

Ang cute niyang sumimangot. Nanggigil ako sa kanya kaya pinisil ko ang pisngi niya.

"Ang kulit mo! Okay na ang handa para sa ating apat."

Ngumiti siya. Wala ng mas gaganda pa sa ngiti niya. Pakiramdam ko ay nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Masaya ako kung saan masaya si Luke. Masaya ako sa piling niya.

Tumunog ang kanyang cellphone. Ilang minuto na lang ay malapit na magpasko. Sino kaya ang tumatawag sa kanya?

"Hello, Sachi," sagot ni Luke. Nakinig lang ako sa usapan nila. "I'm sorry. Wala ako sa unit ko kaya hindi ka makakapunta. Kina Cassidy ako magpapasko. You can spend your christmas with your family. I'm alright here." Nakangiti siya na siyang ipinagselos ko. May kung ano sa kanila ni Ms. Sachi na hindi ko kayang pantayan. Matagal na nilang kilala ang isa't isa samantalang ako ay bago pa lang sa buhay ni Luke. "Merry Christmas, Sachi."

Matapos niyang makipag-usap ay masuyo niya akong tiningnan. Nakagat ko ang labi ko. I'm jealous. Apat na taon na si Luke sa industriyang ito. Siguradong sa apat na taon na iyon ay marami na silang nabuong alaala.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya magawang tingnan. Tumunog na naman ang cellphone niya kaya roon nabaling ang atensyon niya.

Inalis ko ang kamay kong hawak niya. Siguro ay tumatawag na naman si Ms. Sachi sa kanya. Sa ginawa ko ay hindi niya sinagot ang tawag.

"What's wrong, baby?" Nanghina ako sa boses niya.

"Sagutin mo na ang tumatawag. Si... si Ms. Sachi 'yan 'di ba?"

MY LUKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon