2. Emerald

158K 2.7K 537
                                    

2. Emerald

Hindi ako nagkakamali! Yan ang Boxster ni Rex. Bakit ko ba kasi nasagi yun? Buti sana pag nasasagi eh biglang tatayo tapos manunuka pero hindi eh. Baka ang balahibo ko ang tatayo sa laki ng ibabayad ko sa pagpapaayos nito sa casa. At bakit ba kasi andito siya sa building namin?

Inayos ko na ang pagpapark at lumabas ng sasakyan  ko tapos chineck ko ang damage sa Boxster. Takte! Nagasgasan ko. Kainis naman!

At dahil kahit na greenminded ako ay honest naman, kumuha ako ng papel at nagsulat.

‘Rex,

As you might see, there’s a dint on the bumper of your Boxster, I accidentally bumped on it. I’m sorry but I am willing to pay for the damages. Here’s my number, you can call me anytime, 24/7. 09169696969.

Raziel.’

Baka kasi di kami magkita kahit nasa iisang building lang kami. Dumiretso na ako sa Department namin. Nasa Marketing Department kasi ako at isa akong ulirang empleyado.  Kahit GOO (Granddaughter of the Owner) ako, ayaw na ayaw ni Grandma na inaabuso namin ang aming posisyon kaya dahil nagsisimula pa lang ako, isa akong hamak na Rank and File employee. Pero okay alng masaya naman ako.

Mamaya ko na ibibigya kay Grandma ang bread niya pag sinita na niya ako. Wahahaha.  Umupo na ako sa table ko at nagsimulang mag work.

Pumunta ako ng CR kasi naiihi ako nung may marinig ako sa may bandang fire exit.

“Ba’t ang tigas nito?” Boses ng babae ang naririnig ko.

“Ganyan talaga yan, pero masarap yan. Tikman mo! Ito hawakan mo.” Boses naman ng lalaki. Ano ang ginagawa nila sa fire exit?

“Ang tigas eh!” yung babae naman.

“Sige lang kainin mo lang.” Paksyet!

“Masarap nga!” Humagikgik pa yung babae.

“Sabi ko sayo eh. Sige na I blow mo na! Ayan! Di ba lalong lumalaki! O dahan-dahan lang, malapit nang pumutok oh!” WoooaaahhhH! Don’t tell me…

“Isa lang muna ngayon kasi bawal to. Baka mahuli tayo.” Sabi pa ulit ng lalaki. At may plano pa silang ulitin. Makikita niyo!!

“Oo nga! Bawal. Pero masarap siya ha!.” Humagikgik ang babae sabay din ang tawa ng lalaki.

“Oo nga. Ang galing mo palang mag blow. Sige isa pa. Pero wag mo munang paputukin ha!” Sabi nung lalaki. Di ko na nakayanan. Bigla kong binuksan ang pinto ng fire exit. Nagulat ang dalawang tao na nasa loob ng fire exit. Pati sila nagulat din.

“Raz!” Sabay pa nilang sabi.

“Anong ginagawa niyo dito!?” Sabi ko sa kanila. Huli kayo!! Dito pa kayo gagawa ng kababalaghan sa office ha! Masisisanti kayo!

Ang Kwento ng GreenmindedWhere stories live. Discover now