Percival

17 2 0
                                    

 SIMULA 

**********

Percival Kingston is Selene's long time boyfriend simula ng tumungtong siya ng kolehiyo ay nobyo na niya ito,  sinagot niya ito ng grumaduate siya ng senior high. At  hanggay ngayon ay hindi pa din makapaniwala ang dalaga na boyfriend niya ang isang Percival Kingston.  'Ni hindi niya din alam kung ano ba ang nagustuhan ng lalaki sakanya samantalang kumpara sa mga modelong babae at mga mayayaman na nakakasalamuha ng binata ay walang-wala siyang binatbat sa mga ito.  Simple lang naman ang buhay ni Selene, scholar siya simula ng highschool hanggang ngayong college na siya at gragraduate na.  Nagpapart time job din siya para may pangtustos sa pangangailangan niya sa pag-aaral at sa pang-araw-araw  lalo na ngayon na kailangan niyang magdoble kayod para sa kanyang kapatid na nadiagnos na may sakit.  Kailangan niya ng malaking halaga para sa pampaopera ng kapatid at nangangamba siyang baka matigil sa pag-aaral kahit na nasa third semester na ng pasok,  graduating na siya at talagang malaking kawalan iyon kung hihinto pa siya kaya kailangan niyang magtiis para sakanilang dalawang magkapatid lalo na at ulila na sila sa magulang tanging ang tiyahin na lamang niya ang nagmamagandang loob sakanila at tinutulungan sila pero ayaw naman niyang maging pabigat pa dito dahil may tatlong anak din itong pinag-aaral at alam niyang malaki-laki ang kakailanganin ng kapatid niya para sa operasyon. 

Bigla niyang naalala ang pag-uusap nila ng kaibigan niyang si Sashna, kaibigan niya na ito simula pa noong bata pa lang siya at may kaya sa buhay ang kaibigan niya na palagi niyang naaasahan tuwing may problema siya.  

"Puwede kong sabihin kay daddy... doctor si daddy I'm sure matutulungan niya kayo. "Suhestyon ng kaibigan niya.  

Napailing ang dalaga.    Madami ng naitulong sakanya si Sashna at ang pamilya nito,  ayaw naman niyang pati ang isang ito ay ipaako niya pa dito isa pa masiyado ng malaki ito,  hindi biro ang gagastusin sa opera ng kanyang kapatid,  kailangan lang talaga niya ng makakausap at mapagsasabihan ng problema dahil ayaw naman niyang ikuwento ito sa binata dahil siguradong aakuin niya ang gastos ng pampaopera ng kapatid niya at ayaw niyang bigyan ng rason ang ibang tao para kumpirmahin na pera lang talaga ang habol niya sa binata,  nag-aaral a ng mabuti para makaraos sa hirap at hindi siya gagamit ng ibang tao o mananamantala ng kabaitan nila... hindi kailanman. 

"E bat hindi mo na lang sabihin sa boyfriend mo?  Sigurado namang isang sabi mo lang sakanya ay tutulungan ka niya,  nakikita mo naman kung gaano ka kamahal ni Percival... " 

"Don't get me wrong Selene, what I mean is mahal ka ni Percival I'm sure he'll help you dahil kapatid mo naman ang nangangailangan at hindi naman saiyo mapupunta ang pera noh.  At isa pa panigurado ayaw kang makitang masaktan ni Percival.  Hayaan mo na lang ang mga sinasabi ng mga tao diyan, inggit lang sila. " dagdag pa nito.  

"Uy ate diba siya ang boyfriend mo?" Kalabit sakanya ng nakababatang kapatid niya,  nang lingunin niya ang kapatid ay nakangisi ito sakanya kahit na maputla ang mga labi nito at madaming mga dextrose ang nakakabit sa katawan ng kapatid.  Kaagad na nanuot sakanya ang sakit na makita ang kalagayan ng kapatid.  Napatango siya at napabalik sa realidad, Dalawang linggo lang ang ibinigay sakanyang palugit at pagkatapos noon ay kailangan niya ng magdesisyon tungkol sa pagpapaoper ng kapatid niya.  Kahit magtrabaho siya sa lahat ng bakanteng oras ay hindi siya makakalikom ng ganoong kalaking pera sa loob lamang ng dalawang linggo.

NAPATIGIL siya sa paglalakad ng harangin siya ni Macey nakilala niya ang dalaga sa party ng mga Kingston, kaibigan ng pamilya ng dalaga ang pamiya ng kanyang nobyo at matagal na ding magkakilala ang dalawa, kung tutuusin ay mas bagay ang dalawa parehas na mayaman ang pamilya. 

"You need money?"diretsa nitong tanong sakanya. Bahagya pa siyang nagulat sa tinanong nito. Nalukot ang mukha ng kausap bago muling nagsalita."I heard you andd Sashna are talking about the operation of your sister..." 

PercivalWhere stories live. Discover now