Chapter 2 | TURNILYO

576 17 5
                                    

IPINABALIK kaagad ako ng aking Pierre (Ama) sa amin planeta pagkatapos ng aking isang pananatili ng isang linggo sa Earth, hindi ko alam kung ba’t kaagad niya ako pinabalik samantalang kakagaling ko lang sa planeta namin. Hindi nalang din ako umangal at bumalik dito. Ewan ko ba, sa tuwing pababalikin kasi niya ako ng biglaan dito sa Watport palagi ako naiinis pero ngayon iba, iba pakiramdam ko sa pagbalik ko.

Nilapitan ko ang aking Pierre at pinanuod siya sa kanyang ginagawa. Inaayos niya ang iba namin kasamahan na sumabak sa digmaan. Habang tinitignan ko ang pag-gagawa niya di ko malubos na maisip na pano nagagawa nila isakripisyo ang sarili nilang buhay para lang sa mga tao? Hindi ko naman sinasabi na, pabayaan nalang nila ang mga ito. Basta, magulo.

“Kanina ka pa dyan?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Pierre. Nagulat ako dahil sa mga sinabi niya, hindi ako makapaniwala na nag-tagalog siya.

“Parang gulat na gulat ka.” Tinawanan niya ako.

“Seryoso? Nag-tatagalog ka, pierre?” Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat.

“Tao ka na ba talaga at nakalimutan mong kaya ng ating lahi na mag-salita ng kahit anong wika?” Oo nga pala, nawala sa isip ko yun dahil sa gulat. Ngayon lang kasi nag-salita si Pierre ng ganon, kahit ibang salita hindi niya sinasabi maliban nalang sa Wakura na salita dito sa Watport.

“Oo nga pala.” Nag-ngitian lang kami.

“Kamusta ka na pala?” Naging seryoso si Pierre. Para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya.

“Ayos lang, ganon pa din.” Hindi ko makuha ngumiti ulit.

“Mukha ngang enjoy na enjoy ka sa Earth. Alam mo pa din ba ang misyon mo?” Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman nakakalimutan kung bakit ako nandun, lahat naman ginagawa ko para magawa lahat ng kailangan gawin niya pero ba’t ganito ang pinaparamdam sa’kin ngayon ni Pierre?

“Hindi ko yun kinakalimutan.”

“Good. Yung babaeng nakilala mo..”

“Babae?”

“Nung isang gabi.” Shoot! Naalala ko na, ang tanga tanga ko. Nakalimutan ko na makikita lahat nila ang mga pinaggagawa ko sa Earth. Nakalimutan ko na ang planeta pala namin ang nangunguna sa lahat ng planeta sa pagiging expert sa technology.

“Patawad, Pierre.” Lumuhod ako sa harap niya. “Patawad talaga, naging mahina ako. Hindi ko alam kung bakit pero may kung ano sa babaeng ‘yon. Patawad, patawad. Handa ako tanggapin kung ano man parusa ang ipatang sa’kin.”

Hindi nag-salita si Pierre pero ramdam kong may kinuha siyang bagay.

Ipinalo niya ng malakas ‘to sa akin ulo. Hindi ‘to isang pangkaraniwang bagay dahil hindi naman ako masasaktan kung pangkaraniwan lang ‘to. Kami mga taga Watport ay hindi basta basta nasasaktan kahit anong itama mo sa’min.

“Tanging ‘yon na nga lang ang dapat mong gawin, hindi mo pa nagawa. Anong klase ka?!” Galit na galit na sinabi ni Pierre.

“Patawad, Pierre. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin yun… Pero ramdam ko naman na mapagkakatiwalaan ang taong ‘yun.”

“Tumayo ka dyan.” Tumayo naman ako. “Siguraduhin mo lang yan sinasabi mo kundi lahat tayo mapapahamak dito, sa’yo lahat nakasasalalay.” Pressure.  Minsan naisip ko na din na pangkaraniwang taga Watport nalang ako o hindi kaya pang karaniwang tao nalang. Yung hindi kasama sa mga ganito, sobrang hirap kasi ng nakapatong sa’kin. Para bang isang mali ko lang, kagaya nito damay na lahat.  Ba’t ba kasi naging anak pa ako ng namumuno ng isang planeta?

“Pierre, sa oras na manganib tayong lahat. Handa akong itaya ang buhay ko para sa inyo. Mark my word.” Nginitian nalang ako ni Pierre.

INAAYOS ko ang sarili ko dahil parang natanggal ang isang turnilyo mula sa ulo ko dahil sa pagkakapalo sa’kin ni Pierre. Hanggang ngayon nga ramdam ko pa rin yung sakit pero ayos lang kasalanan ko din naman ‘to. Hindi muna ako makakabalik din ng planet Earth dahil hindi ko kayang mag katawang tao na ganito ang lagay ko. Baka dahil kulang ako ng turnilyo ngayon, isipin nila baliw ako. Hindi ako mag fufunction ng maayos kapag nag-madali ako bumalik ng planet Earth.

Nakarinig naman ako ng pag katok sa pinto ng kwarto.

“Pasok.” Dahan dahan niyang binuksan ang pinto.

“Pierre, ikaw lang pala.”

Pumasok na ‘to sa kwarto. “Nag-dala lang ako dito nitong turnilyong kulang sa’yo.”

“Salamat.”

“Hindi mo kailangan mag-pasalamat, Gawain ko yun. Anak kita.”

Tinignan ko si Pierre, gusto ko magpasalamat sa kanya na siya ang aking naging Ama pero gusto ko din mag-tanong kung bakit hanggang ngayon hindi pa din niya sinasabi sa’kin kung nasan na ba ang aking ina. Noong bata ako sinabi niya sa’kin ang akin ina daw ay kalahating tao. Hindi niya nakwento sa’kin kung pano nangyari yun kaya hanggang ngayon takang-taka ako. Kaming mga taga Watport kasi ay hindi pinapanganak, I mean ginagawa kami sa pamamagitan ng teknolohiya at hindi sa pamamagitan ng alam mo na.  Kaya din siguro ganito ako sa mga tao dahil may dugo nila ako.

Isa din sa mga bagay kaya ako pumayag na pumunta sa planet Earth ay para mahanap ang aking ina. Madami ang nag-sasabi na nandun din siya, namumuhay bilang isang tao at may pamilya na. Hindi ko talaga maiintindihan kung pano nangyari yun, madami pa talaga akong dapat malaman kahit matagal na akong naninirahan sa Earth.

______

Agent X94Where stories live. Discover now