26-something./let's go/

5.9K 259 145
                                    

sarreh kung maikli lang yung HunHan moment T^T minadali ko lang kasi to xD sana magustuhan niyo pa rin /cries/ >.<

--------x

Tao’s POV

Nandito ako sa bahay ni kris habang yakap yakap siya, pinilit ko kasi siyang wag na mag bar at dito na lang sila magsama sama ng mga kaibigan niya.

“ may problema ka ba baby ? “

“ kris.. ang sama ko, ang sama sama ko “ hindi ko na mapigilan ang mga hikbi ko

Nakapag desisyon na ko na sasabihin ko na lahat kay kris dahil alam kong matutulungan niya ko. Na hindi siya magagalit sakin sa lahat ng nagawa ko. Na maiintindihan niya ko, dahil alam kong mahal na mahal niya ko.

“ ano bang ginawa mo ? wag mong sabihing nilo—“ pinalo ko siya sa dibdib

“ hindi kita niloloko ah ! “ napabitaw ako sa yakap ko sa kaniya kaya hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi at pinunasan ang mga luha ko

“ eh ano nga kasi ? “

“ yung kay jongin tsaka kay kyungsoo.. si suho yung may kasalanan kung bakit magka hiwalay sila ngayon “ nagulat siya sa sinabi ko at puno ng pagtataka ang mukha niya

“ anong kinalaman mo doon ? “

“ ako yung kumilos para magawa lahat ng plano ni suho.. ako yung nag utos kay ryeowook para kumuha ng mga lalaking may gusto kay kyungsoo para makasama nito.. ako din yung naghanap kay glaiza para sirain yung relasyon ng dalawa “

nagsimula nanaman akong umiyak kaya niyakap na lang ako ni kris at ilang ulit na hinalikan ang ulo ko habang pilit akong pinapatahan

“ delikado ka kris.. pag nagsalita ako o hindi nakuha ni suho si kyungsoo ay malalagot tayong dalawa.. i’m sorry, sorry talaga kris “

“ gusto mo bang bumalik sa china ? “ galing kaming dalawa sa china at isa sa mga makapangyarihang pamilya nabibilang si kris, pero kahit na ganoon ay tanggap ako ng pamilya nila.

“ paano kung matunton tayo doon ni suho ? paano sila jongin ? gusto kong maligtas si kyungsoo “

“ ako bahala “

Nagyakapan na lang ulit kami, hindi pa rin ako tumitigil sa pag iyak nang maka rinig kami ng doorbell

Jongin’s POV

Nagulat kaming lahat ng Makita naming umiiyak si tao, yung boyfriend ni kris. Pero mas nagulat ako nang sabihin niya sa amin lahat. lahat lahat kung bakit kami umabot sa ganito ni kyungsoo. Nagdilim ang paningin ko, gusto kong ibuhos sa kaniya lahat ng galit ko pero agad naman akong pinigilan ni sehun at ni chanyeol na nasa tabi ko.

Innocent Hyung. [ K A I S O O ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon