★ 03. Job Offer. ★

37 1 0
                                    

Shania POV

Naglalakad ako papuntang school. Bibili ako ng uniform remember?

Pano ba yan? Nawalan ako ng isang trabaho. Patay ako neto kay Mama. Maghahanap ulit ako mamaya. Kelangan kong makapaghanap bago malaman ni Mama na nawalan ako ng isang trabaho.

Hawak hawak ko yung cellphone na binigay ni David sa akin. Hindi kasi magkasya sa bulsa ko eh. Ang laki masyado. Nakakapanibago din kasi ang liit nung luma kong cellphone.

*Riiing!Riiing!*

Okay. Nagulat ako dun ha! Sino naman kaya tong natawag?

David Calling..

Oh. Si David pala.

Nakalimutan ko nga pala. Tatawagan ko nga pala siya. Hayaan na nga. Magsosorry nalang ako.

Buti naman at marunong akong sumagot ng tawag kahit bago na cellphone ko. Makapagbasa nga ng manual mamaya.

"Hello?"

[Bakit hindi ka tumawag?] may halong pagkainis sa boses niya. Inantay ba niya tawag ko?

"Eh. Hehe. Sorry. Nakalimutan ko kasi."

[Tch. What are you doing?]

"Umm. Naglalakad ako papuntang school."

[Naglalakad ka? Bat ayaw mong sumakay ng taxi?]

"Mas okay na yung naglakad. Para may exercise. Tsaka gastos din kapag sumakay pa ako ng taxi."

[Tch.] bat ang hilig niya mag 'Tch'?

"May sasabihin ka pa ba?"

[Meron pa. Bat papunta ka ng school? Anong gagawin mo dun? May pasok na kayo?]

"Wala pa. Bibili lang ako ng uniform." simpleng sagot ko.

Hay salamat at nandito na ako sa tapat ng school. Binati ko yung mga kilala kong security guards. Binati din nila ako.

Medyo malayo pa ako sa school building namin kasi dadaan pa ako sa madaming buildings ng college at grade schools. Magkahiwalay kasi yung building ng highschool sa gradeschool.

[San ka nag aaral?] ano bang pumasok sa isipan neto at naisipan niya akong tanungin ng kahit ano?

"Bat ang dami mong tanong?"

[Masama bang magtanong ngayon? Tch.] ayan na naman yung 'Tch' niya.

"Hindi naman. Sa BTS school ako nag aaral." sinagot ko na. Baka pumutok pa ang butsi neto eh.

[Ano nga pala pangalan mo?]

-.-

Di niya pa ako kilala?! Matapos niyang kunin yung number ko at bilhan ako ng cellphone di niya pa ako kilala?!

"Hindi mo pa ako kilala?!" sigaw ko. Pinagtinginan tuloy ako ng mga estudyanteng nag eenroll dito. Nubayan. Kahiya.

[Edi sana hindi kita tinanong ngayon kung kilala na kita diba? Tch.] let's call him 'TCH' tutal yan naman ata ang favorite niyang sabihin.

"Fine. Shania Zanne Dela Vega ang pangalan ko." pagpapakilala ko. Siya nga din di ko pa kilala eh. Kilala ko lang siya by his first name.

[Good. I'm David John Aquino.]

"Nga pala. Ano bang pedeng itawag ko sayo? David ba o John? Since hindi pa naman tayo close." tanong ko. Nakakahiya naman kasi kung FC ako diba?

Love is the MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon