Pusong Pinaglaruan

225 0 0
                                    

Natuto akong magmahal

Pero laging nasasaktan;

Ang akala ko ba’y magiging masaya ako

Kung ako’y magmamahal sa isang katulad mo.

Ngunit ano itong nangyayari

Para bang ako ang ‘yong sinisisi;

Sabi mo, mahal mo ako

Pero ngayo’y kalayaan ang gusto mo.

Ba’t mo gusting lumayo sa akin

Maghanap ng ibang iibigin;

Hindi mo na ba ako mahal

O talaga bang ‘di mo ako minahal.

Pinaglaruan mo lang talaga ako

Ngayon nama’y ang puso kong bigo;

Hindi ka na talaga nakontento

Sinira mo pa ang buhay ko.

Kaylupit ng tadhanang ito

Pati puso ko’y pinaglaruan nito

Sirang-sira na nga ang buhay ko

At hinding-hindi na magbabago..... :(

Pusong PinaglaruanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon