Part 14: 7 Months

67 1 0
                                    

Saturday.

Saktong one week na nakalipas nung naospital ako dahil sa mga war freak na mean girls ng hemmings.

Wala naman gaanong nangyare last week, yung mean girls na yon balita ko nasuspend siguro nalaman yung ginawa nila sa akin. Kami naman ni jayce ayun hindi ko pa din sya pinapansin galit parin ako sakanya pero walang tigil ang pagsosorry nya sa text, kapag nagkakasalubong kami sa school sorry padin sya ng sorry tapos minsan pumupunta sa bahay pero hindi ako nagpapakita sakanya at nagkukulong lang ako sa kwarto. Ewan ko ba naiinis padin ako.

Dito lang ako sa bahay, eenjoyin ko na lang yung weekends ko. Magmomovie marathon nalang kami ni cham, magluluto ako ng popcorn, magtitimpla ako ng fresh orange juice, bonding kung bonding kami ng kapatid ko. Haay sarap lang ^______^

*knock knock* may kumatok sa kwarto ko

"Charlotte? Hija? May package ka" sabi ni Aling Mona

Package? Saan galing? Galing kay mommy? ^______^ Pero wala naman syang nababanggit eh. Hmmm..

Binuksan ko na yung pinto.

"Galing po kanino?" tanong ko

"Walang sulat hija eh, sige mauna na muna ako"

Kanino kaya galing to? Nakabox sya eh malaking box... Ano kaya laman? Nako baka bomba to? *alog alog alog* pero parang hindi naman? Mabuksan na nga...

*****

"Charlotte nandito na yung sundo mo" sigaw ni aling Mona

"opo pababa na!" at nagmamadali na akong bumaba ng kwarto

"Ate chaylotte ganda ganda mooo! ^____^" sabe ni cham

"Thankyou cham!" at kiniss ko sya sa cheeks

"Nako dalaga na talaga alaga ko" drama ni aling mona

"Aling mona naman oh ang dramaa." at hinug ko sya

"Nako itigil na nga ang kadramahan na to at hinahantay ka na nung manong driver sa labas" sabi ni aling Mona

"sige po alis na po ako kayo na bahala kay cham" lumabas na ako ng bahay

May sumundo sakin na kotse at may driver. Tss  daming pakulo ni jayce talaga oh.

pumasok na ako sa loob ng kotse.

"Manong saan daw ba tayo pupunta?" tanong ko

"Sa Hood's Restaurant daw po eh"

Hood's Restaurant saan naman kaya yun?

****

dito na kami sa Hood's Restaurant grabe labas palang mukhang pang sosyal na pano pa kaya yung loob?

"Buti nakapunta ka" salubong sa akin ni jayce

"wala eh, wala na akong magagawa -___-" sagot ko

"Hehehe namiss kita sobra baby. Hmm tara na sa loob? Gusto ka na nila makita eh ^_____^" jayce

Gusto na nila ako makita? Nako kinakabahan naman ako. Wait okay na ba tong hitsura ko? Kasi naman tong si Jayce eh daming pakulo..

*Flashback*

Kanino kaya galing to? Nakabox sya eh malaking box... Ano kaya laman? Nako baka bomba to? *alog alog alog* pero parang hindi naman? Mabuksan na nga...

O.O

Dress..

at

Heels

Wow ang cuteeeee sobraaaa! ^____^

Why?Where stories live. Discover now