44

909 40 6
                                    

11:23 AM

Mr. Yls: Oy bee, ano yung fb status mo? Bakit may problema ka? Sabihin mo sa akin bee, mag-ingay ka sa messenger ko bee ka naman 'di ba?

: Bee bee bee bee bee ayos ka lang? Nag evolve ka na ba as bumble bee?

Seen 11:45 AM

Mr. Yls: Seen lang ako? Nakita mo na talaga ako 'no?

: Seen? Ayaw mo akong makausap? Edi sabihin mo sa akin. Nag-e-emo tuloy ang guwapong tulad ko.

: Alam mo bang mas masakit ang 'di reply-an kahit online naman?

Seen 11:53 AM

Mary Hyziel: Wala yun

Mr. Yls: Ows?

Mary Hyziel: Wala nga

Mr. Yls: Sigurado ka?

Mary Hyziel: Oo

Mr. Yls: Weh? Bakit ka nag-post ng ganun kung wala lang naman pala. Ano yun pagpapansin?

Mary Hyziel: Hindi yun pagpapansin saka wala ka ng pake dun

Mr. Yls: Ayan nagsusungit ka na naman. Kapag nakita kita babatuhin kita ng teddy bear

Mary Hyziel: Sosyal teddy bear pa ang ibabato sa akin bakit di na lang bato nang diretso ospital ako

Mr. Yls: Gagawin mo akong kriminal pag bato ang ibabato ko sa'yo. Maganda na yung teddy bear para kapag magiging baliw ka na walang makausap, yun yung kausapin mo o kaya'y yakapin mo.

Mary Hyziel: Para namang bibigyan mo ako ng ganiyan eh hindi mo nga alam address ko.

Mr. Yls: I have many ways, magkakaroon ka ng ganun pero anabelle ibibigay ko di na pala teddy bear

Mary Hyziel: Gulo mo kausap

Mr. Yls: Atlis di ka nabo-bored at di nagsesenti

Mary Hyziel: May point

: Wala kasi akong makausap kaya nagsenti at nagkabungguan kami ni crush kanina pero 'di man lang siya nag-sorry

Mr. Yls: Sa panahon kasi ngayon 'di na uso ang salitang sorry. May mga magso-sorry pero may iba ring walang pakialam kahit sila naman ang may kasalanan. Kaya bee, hayaan mo na 'yang si crush mo kung di ka binangga, patidin mo na lang kapag dumaan nang makabawi ka naman

Mary Hyziel: Sira baka mamaya ma-guidance ako o baka mamaya sugurin ako ng ka-MU niya.

Mr. Yls: Edi tawagin mo ako nang ako ang pumatid sa kaniya.

Mary Hyziel: Wow! Mage-effort ka pa talagang pumunta dito para patidin sya

Mr. Yls: Oo naman, para sa'yo gagawin ko para lang maging bee babe na kita.

Mary Hyziel: Utot mo huwag na

Mr. Yls: Utot ko? Mabaho utot ko bee, gusto mong amuyin? Halika rito nauutot na ako

Mary Hyziel: Kadiri ka.

Mr. Yls: Kadiri yung tumatae habang nagce-cellphone

Mary Hyziel: Lol.

Mr. Yls: Love of Life kita 😍

Mary Hyziel: Mandiri ka sa mga pinagsasabi mo

Mr. Yls: Hindi naman nakakadiri mga pinagsasabi ko ah. Hindi naman tae na dinapuan ng langaw tapos dadapo sa labi mo.

Mary Hyziel: Gigil mo na si ako ah

Mr. Yls: Gigil na rin ako

Mary Hyziel: Mas gigil ako

Mr. Yls: Panggigilan natin isa't isa

Mary Hyziel: Teddy bear lang pinanggigilan ko

Mr. Yls: Mukha akong teddy bear

Mary Hyziel: Di ko tinatanong

Mr. Yls: Share ko lang ano ka ba.

Mary Hyziel: Magtanghalian ka na nga!

Mr. Yls: Tapos na ako, ikaw magtanghalian ka na.

Mary Hyziel: Papunta na kaming canteen ni Arlene

Mr. Yls: Kain ka ng mabuti, mamaya mo na ako i-chat di naman ako mawawala. Always online ako at palaging inaabangan ang pag-online mo.

Mary Hyziel: Opo

Mr. Yls: Good girl si bee ko. Pakabusog ka tapos kapag may tira ka, ibalot mo lang tapos ipa-lbc mo sa akin.

Mary Hyziel: Walang matitira sa kakainin ko.

Mr. Yls: Kung may tira ka lang pagkain kako. Ipapakain ko lang sa alaga ko. Kasingganda mo siya bee ko.

Mary Hyziel: Tae mukha ba akong hayop? 😠

Mr. Yls: Hayop ka kasi sa ganda 😂

Mary Hyziel: Makakain na nga lang.

Mr. Yls: Mabuti pa nga. Pakabusog ka bee. Love you.

Mary Hyziel: Eww sa dulo.

Mr. Yls: Huwag ka ng mag-eww. Magugustuhan mo rin 'yan soon.

Mary Hyziel: Asa ka pa.

Our Chat Story (CHAT SERIES #1)Where stories live. Discover now