So Do I - Chapter 1

1.3K 15 7
                                    

Naranasan niyo na bang magmahal? Yung klase ng pagmamahal na hindi one-sided love? Yung kapag sinabi mong 'I love you!'......sasagot siya ng SO DO I!

Cebu

"Oh Daniel, mag-iingat ka sa Manila ha! Mag-aral kang mabuti at wag kang magiging pabigat sa tita at tito mo. Wag kang gagawa ng kalokohan dun ha! Ingat ka anak! Tawag ka agad pag dating mo dun."

"Opo ma! Mabait naman po ang anak niyo eh! At gwapo pa! Di po ako gagawa ng kalokohan dun at promise ko po sa inyo na mag-aaral akong mabuti!"

"Susunod din naman kami ng papa at mga kapatid mo dun eh tatapusin lang namin ang business dito. O sige na anak, baka maiwan ka pa ng eroplano"

"Bye mama, JC, Magui and Lelay! Wag niyo masyado ma-miss ang gwapo niyong kuya ha!"

"Wag ka na umiyak Magui, susunod naman kayo sa Manila eh, oh hug mo na si kuya pogi! JC bro, kaw muna mag-alaga sa kanila ha! Lelay, wag masyado makulit ha! Sige na baka maiwan pa ang gwapo niyong anak at kuya!"

"Ay nako talaga tong anak ko! Mag-ingat ka dun ha! bye!"

"Bye kuya!!" Sambit nina JC, Magui at Lelay habang kumakaway sa kanilang kuya Daniel.

----

Manila (airport)

"Mama, nasa Manila na po ako" "Opo, mag-iingat po ako, sige po tawag nalang po ako ulit. Bye mama"

Malayo ang tingin ni Daniel sa paghahanap sa kanyang tita Kris nang biglang...*boooogsh*

"Aray! Ano ba yan!"

Ay miss! Sorry di kita napansin. Pasensya na! Tulungan na kita, eto panyo pamunas"

"Hay nako ewan ko sa'yo! Hmpp! Ughhh my outfit!!" Sigaw ng babaeng nabangga ni Daniel na dali-daling nagpapadyak sa galit palayo.

"Ang sungit naman nun. Di ko naman sinasadya ah"

"KUYA INSAN!!!"

"UYYY!! Paul! Insan! Kamusta ka na? Hello po tita Kris! Kinakamusta nga po pala kayo ni mama!"

"Grabe kuya insan! Ang tagal na nating di nagkikita! Na-miss kita! Mag-laro tayo agad PlayStation pag-uwi natin ha! Oh ano nangyari sa shirt mo kuya?"

"Wala may nabangga ako kanina natapunan ako ng juice"

"Nako nako! Kayong dalawa! Baka mamaya eh puro laro lang ang gawin niyo ha! Daniel ang laki mo na talaga!! Parang kailan lang! O halika na sa restaurant at nandun na si Miles at ang tito John mo, dun ka nalang magpalit"

Restaurant

"Papa, they're so tagal naman. I'm getting bored na!"

"Papunta na sila dito Miles, oh be nice to your cousin ha!"

"Yes papa! Oh they're here na pala eh"

"Hon, eto na si Daniel oh!"

"Tito John! Kamusta po?!"

"Daniel, ang laki mo na ah! Dati lang tumatakbo-takbo ka pa sa labas na mukang batang kalye, bilis ng panahon, ngayon mga dalaga't binata na kayo"

"Ahh Daniel, naalala mo pa si Miles? Lagi kayo nag-aaway dati diba? Hahaha! Yung di natatapos ang isang araw na walang umiiyak sa inyo!"

"Syempre naman po tita. Hi Miles! Ang ganda mo na ah! Kamusta ka na?"

"Uhhh I'm okay! Mom let's eat na!!"

"Kuya insan pagpasensyahan mo na yan si ate ah, masungit talaga yan hahaha!" Pabulong na sabi ni Paul kay Daniel

Inirapan ni Miles si Paul at Daniel na tawa nang tawa.

"Oh oh tama na yan! Ang lalaki niyo na nag-aasaran pa kayo, let's order na! Anong gusto niyo?"

"Me mommy I want steak!"

"Ate steak talaga? Tumataba ka na nga eh, diet ka na! Diba kuya insan?! Hahaha!"

"huhh?! Ahhhh" Daniel na pinipigil ang tawa

"Paul shut up nga!! MOM OH!"

"Tama na yan! Pshh Paul! Pasimuno ka na naman dian! O kayo ano gusto niyo?"

"Galing natin kuya naasar natin si ate! Hahaha! Bleh! Steak din mom, kaw kuya?"

"Ganun nalang din po tita!"

*ring ring*

"Hello Kath!!" "How are you soul sis?" "WHAAAT?! May nakabangga sa'yo sa airport kanina? OMG! Really?! Kung ako yan baka kung ano na nagawa ko dun" "Bakit ka nga pala nasa airport kanina? Andun din kami eh" "Oh okay, talk to you later. Toodles!"

"Psst Paul! Sino si Kath?" Pabulong na sabi ni Daniel

"Best friend ni ate kuya! Maganda yun pati mabait pa, makikilala mo rin yun dun din yun nag-aaral sa school namin"

"Eto na. Let's eat!" Sambit ni Tita Kris nang dumating na ang order nila.

-----

Tita Kris' House

"Nakauwi rin tayo! Tulog na kayo ha! Maaga pa tayo bukas sa school niyo, mag-eenroll tayo. Goodnight mga anak!"

"Goodnight mom!"

"Goodnight po tita"

"Goodnight mommy!"

Paul and Daniel's Room

(Daniel's POV)

"Huy kuya tulala ka dian! Ano nangyayari sa'yo?"

"Di wala kasi may nakabanggan akong babae, tapos nagalit siya sakin, nag sorry naman ako eh. Pero grabe insan na love at first sight ata ako! Ang ganda niya eh, kaya lang parang masungit!"

"Nako kuya, itulog mo nalang yan"

Di talaga mawala sa isip ko yung babaeng nabangga ko kanina. Sana narinig niya yung sorry ko. Haaay! "Sorry miss ganda!"

------------------

Hi guys! Nikki here! Thanks for reading my story. Comment kayo and vote. Thankss!! <3

Guys, I really need your feedback so please don't hesitate to leave your comments and reactions about my story. Thank you! :)

So Do I (KathNiel)Where stories live. Discover now