I Love The Way You Lie. *One Shot*

913 19 16
                                    

♩♪♫♬ On the first page of our story the future seemed so bright. ♩♪♫♬

"Happy Anniv baby!" sigaw ko pagdilat ng mata ni Micheal. My boyfriend for the past 3 years. 3rd year namin at maagcecelebrate kami! Kaya ayan, pinuntahan ko sa kanila at ginising. "Come on baby! Wake-y wake! Maliligo ka pa. You promised me na magcecelebrate us today! Wake up na. Plea-"

"Baby, masakit ulo ko. Can we please pass?" Minamasahe pa niya ung temples niya. "I swear I'll make it up to you. Tom, or asap paggaling ko. I just wanna be alone. My head hurts so bad."

Gusto kong malungkot. Matagal kong hinintay tong day na to eh. Actually front ko lang ung date namin, may suprise talaga ako para sa kanya mamayang gabi. Kaso.. Masakit ulo niya eh.

"Baby, napapadalas na yang pagsakit ng ulo mo ah. Gusto mo ba pumunta na tayo sa ospital?" tanong ko sa kanya.

Mabilis pa sa alas kwatro siyang umiling. "No, siguro stressed lang ako. Napuyat kasi ako this past few days."

Umupo ako sa kama, sa gilid niya. Nakahiga parin kasi siya eh. "Ano bang pinagkakaabalahan mo? Bat ka ba puyat ng puyat?" tanong ko habang hinahaplos ung buhok niya.

"A-ah.. A-ano kasi.. Ang daming pinapagawa samin sa Thermodynamics. Ang daming problem set. Kaya ayun pinagpupuyatan ko."

"Sa susunod kasi wag masyadong nagpupuyat. Nagkakasakit ang baby ko eh." sabay halik sa noo niya. "Gusto mo bang alagaa-"

"WAG NA!" sigaw niya.

"Ayaw mong alagaan kita?" napapout pa ako.

"A-ayoko lang mapagod ka sa pagbantay sakin."

"Pero ayos lang talaga. Para naman makasama kita sa araw ng anniv natin."

"Nicole, I just want to be alone. Para makapagpahinga ako ng maayos. Mahirap bang intindihin yun?"

I was quite taken back by his answer. Ung tono kasi ng pananalita niya parang irita. Parang... pinapaalis na talaga niya ako.

Malungkot man, tumayo na ako. "O-osige. Pagaling ka. I love you." hahalikan ko sana siya sa labi kaso bigla siyang lumingon sa kanan kaya ung left cheeks niya ung nahalikan ko. Agad na akong lumabas, nang maisara ko ung pinto. "Happy Anniv Nicole. Happy Anniv sa sarili mo."

NI hindi man lang niya ako binati.

____________________________________________________________________________

"China anong oorderin mo?" tanong ko sa pinsan ko.

"Teka naigiisip pa ako. Parang lahat naman kasi masarap." gulong-gulong sagot ni China.

 Nandito kami ngayon ni China sa isa sa mga 5 stars restaurant sa manila. Eto dapat ng suprise ko para kay Micheal. Hindi kami mayaman. Napalanunan ko lang ung gift certificates dito sa isang TV show. Alam niyo ba na Six months ang kailangan para makapagpareserve ka? Eh ngayon ako nagpareserve. Para sana samin ni Micheal. Kaso. Masakit ulo niya. Hindi ko na pwede ipausog ung reservations, kailangan ko pa maghintay ulit ng another 6 months. Kaya si China nalang sinama ko. Sayang eh.

Dumating ung waiter at naglagay ng soup at water sa table namin. Appertizer. "Can I take your order mam?"

"Hmm, Sweet and sour pork with walnuts"

"How about your rice mam?"

"Plain."

"'Drinks?"

"Hmm. Sweet iced tea."

Tumingin naman ung waiter kay China.

"How about you mam?"

"Wait let me think for a second."

I Love The Way You Lie. *One Shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon